M'Cheyne Bible Journey

Bible Reading Plan — M'Cheyne One Year

Follow this Bible Reading Plan through four passages a day—the Old Testament once and the New Testament and Psalms twice a year.

365 Fixed one-year plan
4 Four readings a day
270 Selected day
‹ Day 270 / 365 ›
Version

Reading confirmation

Did you finish this M'Cheyne day?

Confirm it to mark this day complete on your M'Cheyne progress chart.

Family · Old Testament

사무엘하 23

Open in reader →
Chapter 23

The Last Words of David

1Ngayon, ito ang mga huling sinabi ni David—David na lalaking anak ni Jesse, ang taong mataas na kinikilala, ang siyang pinahiran ng langis ng Diyos ni Jacob, ang matamis na manunulat ng awit ng Israel.

2“Nangusap sa pamamagitan ko ang Espiritu ni Yahweh at nasa aking dila ang kaniyang salita.

3Sinabi ng Diyos ng Israel, sinabi ng Bato ng Israel sa akin, 'Ang isang namumuno nang makatarungan sa mga tao, namumuno ng may takot sa Diyos.

4Siya ay magiging tulad ng liwanag sa umaga sa pagsikat ng araw, isang umaga na walang mga ulap, sa pag-usbong ng malambot na mga damo mula sa lupa sa pamamagitan nang maliwanag na sinag ng araw pagkatapos ng ulan.

5Tunay nga, hindi ba gaya nito ang aking sambahayan sa harapan ng Diyos? Hindi ba gumawa siya ng tipan sa akin na walang hanggan, maayos at tiyak sa kahit na anong paraan? Hindi ba pinalago niya ang aking kaligtasan at tinupad ang aking bawat naisin?

6Pero ang lahat ng mga walang kabuluhan, magiging katulad ng mga tinik na itatapon, dahil walang mga kamay ang makakapagtipon sa kanila.

7Ang taong gagalaw sa kanila, kailangang gumamit ng kasangkapang bakal o tungkod ng sibat. Kailangan silang tupukin kung saan sila nakakalat.'”

David's Mighty Men

8Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na kawal ni David: Jesbaal na Hacmonita na naging pangulo ng mga magiting na kawal. Nakapatay siya ng walong daang tao sa isang pagkakataon.

9Sumunod sa kaniya si Eleazar na lalaking anak ni Dodo, lalaking anak ng isang Ahohita, isa sa tatlong magigiting na mga tauhan ni David. Naroon siya nang nilabanan nila ang mga taga-Filisteo na sama-samang nagtipon para makipagdigmaan, at nang umurong ang mga tauhan ng Israel.

10Nanatili si Eleazar at nilabanan ang mga taga-Filisteo hanggang sa napagod ang kaniyang kamay at nanigas ang kaniyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang espada. Nagdala ng tagumpay si Yahweh sa araw na iyon. Bumalik ang hukbo pagkatapos ni Eleazar, para lang hubaran ang mga katawan.

11Sumunod sa kaniya si Samma na lalaking anak ni Age, isang Hararita. Sama-samang nagtipon ang mga taga-Filisteo kung saan may bukid ng mga lentil, at tinakasan sila ng hukbo.

12Pero tumayo si Samma sa gitna ng bukid at ipinagtanggol ito. Napatay niya ang mga taga-Filisteo at nagdala ng isang dakilang tagumpay kay Yahweh.

13Tatlo sa tatlumpung tauhan ang bumaba papunta kay David sa panahon ng ani, sa kuweba ng Adullam. Nakakampo ang hukbo ng mga taga-Filisteo sa lambak ng Refaim.

14Si David noon ay nasa kaniyang tanggulan, isang yungib, habang nagtatag ang mga taga-Filisteo sa Bethlehem.

15Nagnais si David ng tubig at sinabing, “Kung mayroon lamang magbibigay sa akin ng tubig na maiinom mula sa balon ng Bethlehem, ang balon na nasa tarangkahan!”

16Kaya sinira ng tatlong magigiting na lalaki ang hukbo ng mga taga-Filisteo at sumalok ng tubig sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala ito kay David, pero hindi niya ininom ito. Sa halip, ibinuhos niya ito kay Yahweh.

17Pagkatapos sinabi niya, “Huwag nawa pahintulutan, Yahweh, na inumin ko ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga taong nagbuwis ng kanilang mga buhay?” Kaya tumanggi siyang ininumin ito. Ito ang mga bagay na ginawa ng tatlong magigiting na lalaki.

18Si Abisai, lalaking kapatid ni Joab at lalaking anak ni Zeruias, ang kapitan ng tatlo. Minsan na siyang nakipaglaban sa tatlong daang kalalakihan gamit ang kaniyang sibat at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal.

19Hindi ba mas kilala siya kaysa tatlong kawal? Ginawa nila siyang kapitan. Gayunman, hindi napantayan ng kaniyang katanyagan ang katanyagan ng tatlong pinakakilalang mga kawal.

20Si Benaias, mula sa Kabzeel, ay lalaking anak ni Joaida; siya ang malakas na lalaki na gumawa ng mga dakilang gawa. Pinatay niya ang dalawang lalaking anak ni Ariel ng Moab. Bumaba rin siya sa loob ng isang hukay at pinatay ang leon habang nagniniyebe.

21At pinatay niya ang isang napakalaking lalaking taga-Ehipto. May hawak na sibat ang taga-Ehipto, pero nakipaglabanan si Benaias sa kaniya gamit lamang ang isang tungkod. Inagaw niya mula sa kamay ng taga-Ehipto at pinatay siya gamit ang kaniyang sariling sibat.

22Ginawa ni Benaias anak na lalaki ni Joaida itong mga kahanga-hangang gawa, at pinangalanan siya kasama ng tatlong magigiting na lalaki.

23Labis siyang hinangaan kaysa sa tatlumpung kawal sa pangkalahatan, pero hindi siya labis na hinahangaan gaya ng tatlong pinaamahusay na kawal. Pero ginawa siya ni David na tagapamahala ng kaniyang mga tagabantay.

24Kasali sa tatlumpu ang mga sumusunod na lalaki: Asahel lalaking kapatid ni Joab, Elhanan lalaking anak ni Dodo na mula sa Betlehem,

25Samma na Horodita, Elika na Harodita,

26Helez na Paltita, Ira na lalaking anak ni ekis na taga-Tekoa,

27Abi Ezer na taga-Anatot, Mebunai na taga-Husa,

28Zalmon na taga-Aho, Maharai na Netofa;

29Heleb lalaking anak ni Baana, taga-Netofa, Itai lalaking anak ni Ribai na mula sa Gibea ng mga lahi ni Benjamin,

30Benaias ang Piraton, Hidai ng mga lambak ng Gaas.

31Abialbon na Araba, Azmavet na Bahurim,

32Eliahba na taga-Saalbon, mga lalaking anak ni Jasen, Jonatan;

33Samma na taga-Arar, Ahiam anak ni Sharar na taga-Arar,

34Elifelet lalaking anak ni Ahasbai na taga-Maaca, Eliam lalaking anak ni Ahithofel na taga-Gilo,

35Hezro na taga-Carmel, Paarai ang Arab

36Igal lalaking anak ni Natan mula sa Zoba, Bani mula sa lipi ni Gad,

37Zelek na taga-Ammon, Naharai na taga-Beerot, tagadala ng baluti kay Joab lalaking anak ni Zeruias,

38Ira na taga-Jatir, Gareb taga-Jatir,

39Urias ang Heteo— tatlumpu't pito lahat.

Family · New Testament

갈라디아서 3

Open in reader →
Chapter 3

The Spirit Received Not by the Law

1Mga hangal na taga-Galacia, kaninong masamang mata ang sumira sa inyo? Hindi ba inilarawan si Cristo na napako sa krus sa inyong mga mata?

2Gusto ko lang malaman ito mula sa inyo. Natanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan o sa pamamagitan ng paniniwala sa inyong napakinggan?

3Napakahangal ba ninyo? Nagsimula ba kayo sa Espiritu upang magtapos lamang sa laman?

4Kayo ba ay nagdusa ng napakaraming bagay ng walang kabuluhan, kung totoong ngang ang mga ito ay walang kabuluhan?

5Kung gayon, siya ba na nagbigay ng Espiritu sa inyo at gumawa ng mga makapangyarihang gawa sa inyo ginawa niya ba ito sa pamamagitan ng paggawa sa kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya?

Abraham's Faith and the Curse of the Law

6“Nanampalataya si Abraham sa Diyos at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.”

7Sa gayon ding paraan, unawain ito, na ang mga nananampalataya ay mga anak ni Abraham.

8Noon pa man ay nakita na ng kasulatan na ipapawalang-sala ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang ebangelyo noon pa man ay ipinahayag na kay Abraham: “Dahil sa iyo ang lahat ng bansa ay pagpapalain.”

9Kaya nga, ang mga may pananampalataya ay pinagpala kasama ni Abraham, sila na may pananampalataya.

10Sila na umasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nakasulat sa kautusan, upang gawin ang lahat ng ito.”

11Ngayon malinaw na walang sinuman ang pinapawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”

12Ang kautusan ay hindi galing sa pananampalataya, sa halip, “Ang mga gumagawa sa mga bagay na ito na nasa kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga kautusan.”

13Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan noong siya ay naging sumpa para sa atin. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang ibinitin sa isang puno.”

14Ang layunin ay upang ang pagpapala na nakay Abraham ay dumating sa mga Gentil dahil kay Cristo Jesus, upang sa ganoon ay matanggap natin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.

The Promise Precedes the Law

15Mga kapatid, magsasalita ako ayon sa pang-taong mga salita. Maging ang pang-taong kasunduan na napagtibay na ay walang makapagpapawalang-bisa nito o makapagdagdag nito.

16Ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan. Hindi nito sinabi, “Sa mga kaapu-apuhan,” na tumutukoy sa marami, kung hindi sa iisa lang. “Sa iyong kaapu-apuhan,” na si Cristo.

17At ngayon sinasabi ko ito. Ang kautusan, na dumating pagkaraan ng 430 na taon, ay hindi pinawalang-bisa ang kasunduan na noon ay pinagtibay ng Diyos.

18Sapagkat kung ang pamana ay dumating sa pamamagitan ng kautusan, hindi sana ito dumating sa pamamagitan ng pangako. Ngunit malaya itong ibinigay ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.

19Kung ganoon, bakit ibinigay ang kautusan? Ito ay idinagdag dahil sa mga paglabag, hanggang sa dumating ang kaapu-apuhan ni Abraham sa mga taong pinangakuan. Ang kautusan ay ipinatupad sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng tagapamagitan.

20Ngayon ipinapahiwatig ng tagapamagitan na may higit sa isang tao, subalit ang Diyos ay iisa lamang.

21Kung gayon ang kautusan ba ay laban sa mga pangako ng Diyos? Hinding-hindi! Sapagkat kung ang kautusan ay ibinigay at may kakayahang magbigay ng buhay, tiyak na ang katuwiran ay dumating sa pamamagitan ng kautusan.

22Ngunit sa halip, ibinilanggo ng kasulatan ang lahat ng bagay na nasa ilalim ng kasalanan. Ginawa ito ng Diyos upang ang kaniyang pangako na iligtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo ay maibigay sa kanila na sumampalataya.

Children of God Through Faith

23Subalit bago ang dumating ang pananampalataya kay Cristo, ibinilanggo tayo at ikinulong ng kautusan hanggang sa kapahayagan ng pananampalataya.

24Kaya ang kautusan ay naging taga-gabay natin hanggang si Cristo ay dumating, upang tayo ay mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya.

25Ngayon na dumating na ang pananampalataya, wala na tayo sa ilalim ng taga-gabay.

26Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

27Lahat kayo na nabautismuhan kay Cristo, isinuot ninyo ang buhay ni Cristo na parang damit.

28Walang Judio o Griego, alipin o malaya, lalaki o babae, sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.

29Kung kayo ay kay Cristo, kayo rin ay mga kaapu-apuhan ni Abraham, tagapagmana ayon sa pangako.

Secret · OT / Psalms

에스겔 30

Open in reader →
Chapter 30

The Day of the Lord Coming Upon Egypt

1Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,

2“Anak ng tao, magpropesiya ka at sabihin, 'ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Managhoy, “Aba sa darating na araw!”

3Ang araw ay malapit na! Malapit na ang araw para kay Yahweh! Magiging maulap ang araw na ito, isang panahon ng katapusan para sa mga bansa!

4At isang espada ang darating laban sa Egipto at magkakaroon ng pagdadalamhati sa Cush kapag babagsak sa Egipto ang mga taong pinatay—kapag kinuha nila ang kaniyang kayamanan at kapag gumuho ang kaniyang mga pundasyon!

5Ang Cush, Libya at Lidya at ang lahat ng mga dayuhan kasama ang mga taong kabilang sa kasunduan—babagsak silang lahat sa pamamagitan ng espada!

6Sinasabi ito ni Yahweh: Kaya ang sinumang tutulong sa Egipto ay babagsak, at ang kapalaluan ng kaniyang lakas ay manghihina. Mula sa Migdal patungo sa Sevene ang kanilang mga kawal ay babagsak sa pamamagitan ng espada! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!

7Manlulumo sila sa gitna ng nilayasang mga lupain, at ang kanilang mga lungsod ay magiging kabilang ng lahat ng mga nasirang lungsod!

8At malalaman nilang ako si Yahweh, kapag susunugin ko ang Egipto, at kapag nawasak ang lahat ng kaniyang mga katulong!

9Sa araw na iyon magsisilabasan ang mga mensahero mula sa harapan ko sa mga barko upang kilabutan ang matiwasay na Cush, at magkakaroon ng pagdadalamhati sa kanila sa araw ng pagwakas ng Egipto. Sapagkat masdan! Ito ay paparating!

10Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Wawakasan ko ang karamihan sa Egipto sa pamamagitan ng kamay ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia.

11Siya at ang kaniyang hukbong kasama niya, ang kinatatakutan ng mga bansa ay dadalhin upang sirain ang lupain; ilalabas nila ang kanilang mga espada laban sa Egipto at pupunuin ang lupain ng mga patay na tao!

12Gagawin kong tuyong lupa ang mga ilog, at ibebenta ko ang lupain sa kamay ng mga masasamang tao. Pababayaan ko ang lupain at ang kabuuan nito sa pamamagitan ng kamay ng mga banyaga! Ako, si Yahweh, ang nagpapahayag nito!

13Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sisirain ko ang mga diyus-diyosan at wawakasan ko ang mga walang silbing diyus-diyosan ng Memfis. Wala ng magiging prinsipe sa lupain ng Egipto at maglalagay ako ng katatakutan sa lupain ng Egipto!

14Pagkatapos, pababayaan ko ang Patros at susunugin ko ng apoy ang Zoan, at magsasagawa ako ng mga kahatulan sa Tebez.

15Sapagkat ibubuhos ko ang aking matinding galit sa Pelesium, ang tanggulan ng Egipto, at papatayin ang karamihan ng Tebez.

16Pagkatapos, susunugin ko ng apoy ang Egipto. Magiging labis ang kahirapan ng Pelesium at ang Tebez ay mawawasak. Araw-araw ay magkakaroon ng mga kaaway ang Memfis!

17Ang mga binata sa Heliopolis at Bubastis ay babagsak sa pamamagitan ng espada at ang kanilang mga lungsod ay mabibihag.

18Sa Tafnes, hindi magliliwanag ang araw na iyon kapag sisirain ko ang pamatok ng Egipto roon at ang kapalaluan ng kaniyang lakas ay magwawakas. Magkakaroon ng ulap na kukubkob sa kaniya at ang kaniyang mga anak na babae ay dadaan sa pagkakabihag.

19Magsasagawa ako ng paghuhukom sa Egipto, at malalaman nila na ako si Yahweh.”'

The Prophecy of Pharaoh's Broken Arm

20At nangyari nga sa ika-labingisang taon, sa unang buwan, sa ika-pitong araw ng buwan, na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,

21“Anak ng tao, binali ko ang braso ng Paraon, ang hari ng Egipto. Masdan! Hindi ito nabendahan at hindi makatatanggap ng gamot; walang sinuman ang makakapaglagay ng benda nito, kaya wala itong magiging sapat na lakas upang humawak ng espada.

22Samakatuwid sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, 'Masdan ang Paraon, ang hari ng Egipto! Sapagkat babaliin ko ang kaniyang braso, ang malakas at ang bali na, at pababagsakin ko ang espada mula sa kaniyang kamay.

23Pagkatapos ay ikakalat ko ang Egipto sa mga bansa at pagwawatak-watakin sila sa mga lupain.

24Palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia at ilalagay ko ang aking espada sa kaniyang kamay upang maaari kong masira ang mga braso ng Paraon. Maghihinagpis siya sa harapan ng hari ng Babilonia tulad ng paghihinagpis ng taong mamamatay na.

25Sapagkat palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia, habang bumabagsak ang mga braso ng Paraon. Pagkatapos, malalaman nila na ako si Yahweh, kapag inilagay ko ang aking espada sa kamay ng hari ng Babilonia; sapagkat kaniyang lulusubin ang lupain ng Egipto gamit ito.

26Kaya ikakalat ko ang Egipto sa mga bansa at pagwatak-watakin sila sa mga lupain. At malalaman nila na ako si Yahweh!”'

Secret · New Testament

시편 78:38-72

Open in reader →
Chapter 78

38Gayumpaman, siya ay naging maawain, pinatawad niya ang kanilang labis na kasalanan at hindi sila winasak. Oo, maraming beses niyang pinigil ang kaniyang galit at hindi pinukaw lahat ang kaniyang matinding galit.

39Inalala niya na sila ay gawa sa laman, isang hangin na umiihip at hindi na bumalik.

40Napakadalas nilang nagrebelde laban sa kaniya sa ilang at pinagdalamhati siya sa tigang na mga rehiyon!

41Paulit-ulit nilang sinubok ang Diyos at sinaktan ang Banal ng Israel.

42Hindi nila inisip ang kaniyang kapangyarihan, kung paano niya sila niligtas mula sa mga kalaban

43nang ipinakita niya ang nakasisindak na mga tanda sa Ehipto at kababalaghan niya sa rehiyon ng Soan.

44Ginawa niyang dugo ang mga ilog ng Ehipto para hindi sila makainom mula sa kanilang mga batis.

45Nagpadala siya ng kulupon ng mga langaw na lumamon sa kanila at mga palaka na kumalat sa kanilang lupain.

46Binigay niya ang kanilang mga pananim sa mga tipaklong at ang trabaho nila sa mga balang.

47Winasak niya ang kanilang mga taniman gamit ang yelo at ang kanilang mga punong sikamore ng mas maraming pang yelo.

48Nagpaulan siya ng yelo sa kanilang mga baka at naghagis ng mga kidlat sa kanilang mga baka.

49Ang bagsik ng kaniyang galit ay humagupit laban sa kanila. Pinadala niya ang kaniyang poot, matinding galit, at kaguluhan tulad ng mga kinatawan na sinugo para magdala ng sakuna.

50Itinaas niya ang landas ng kaniyang galit; hindi niya sila niligtas mula sa kamatayan pero ibinigay niya sila sa salot.

51Pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto, ang panganay ng kanilang lakas sa mga tolda ni Ham.

52Inakay niya ang sarili niyang bayan gaya ng tupa at ginabayan sila mula sa ilang gaya ng isang kawan.

53Inakay niya sila nang may kapanatagan at walang takot, pero nagapi ng dagat ang kanilang mga kaaway.

54Pagkatapos, dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang banal na lupain, sa kaniyang bundok na nakuha ng kaniyang kanang kamay.

55Tinaboy niya ang mga bansa sa kanilang mga harapan at itinalaga sila sa kanilang pamana; pinatira niya ang mga tribu ng Israel sa kanilang mga tolda.

56Pero hinamon at sumuway sila sa Kataas-taasang Diyos at hindi sinunod ang kaniyang banal na mga kautusan.

57Hindi sila tapat at kumilos sila nang may kataksilan gaya ng kanilang mga ama; hindi sila maaasahan tulad ng isang sirang pana.

58Dahil siya ay ginalit nila sa kanilang paganong mga templo at pinukaw siya na magalit dahil sa kanilang mga diyos-diyosan.

59Nang marinig ito ng Diyos, nagalit siya at lubusang itinakwil ang Israel.

60Iniwan niya ang banal na santuwaryo ng Shilo, ang tolda kung saan siya naninirahan kasama ng mga tao.

61Hinayaan niyang mahuli ang kaniyang lakas at ibinigay niya ang kaniyang kaluwalhatian sa kamay ng kaniyang mga kaaway.

62Ibinigay niya ang kaniyang bayan sa mga espada, at nagalit siya sa kaniyang pamana.

63Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata, at ang mga dalaga nila ay walang mga kantang pangkasal.

64Nahulog ang kanilang mga pari sa espada, at ang kanilang mga balo ay hindi makaiyak.

65Pagkatapos, gumising ang Diyos mula sa pagkakatulog, gaya ng isang mandirigma na sumisigaw dahil sa alak.

66Pinaatras niya ang kaniyang mga kaaway; inilagay niya sila sa walang hanggang kahihiyan.

67Tinanggihan niya ang tolda ni Jose, at hindi niya pinili ang tribu ni Efraim.

68Pinili niya ang tribu ng Juda at Bundok ng Sion na iniibig niya.

69Itinayo niya ang kaniyang banal na santuwaryo gaya ng langit, gaya ng daigdig na kaniyang itinatag magpakailanman.

70Pinili niya si David, ang kaniyang lingkod, at kinuha siya mula sa kulungan ng mga tupa.

71Kinuha siya mula sa pagsunod sa mga babaeng tupa kasama ng mga kanilang anak, at dinala siya para maging pastol ni Jacob, ng kaniyang bayan, at ng Israel, na kaniyang pamana.

72Pinatnubayan sila ni David nang may dangal sa kaniyang puso, at ginabayan sila sa pamamagitan ng kahusayan ng kaniyang mga kamay.