简
KO 韩语
EN 英语
CN 中文
JP 日语
PH 菲律宾语族
HI 印地语
BN 孟加拉语
TA 泰米尔语
TE 泰卢固语
ML 马拉雅拉姆语
FA 波斯语
MY 缅甸语
NE 尼泊尔语
MR 马拉地语
KN 卡纳达语
HA 豪萨语
YO 约鲁巴语
SW 斯瓦希里语
IG 伊博语
ID 印度尼西亚语
PT 葡萄牙语
VI 越南语
AR 阿拉伯语
RU 俄语
UK 乌克兰语
RO 罗马尼亚语
IT 意大利语
FI 芬兰语
TO 汤加语
HR 克罗地亚语
SR 塞尔维亚语
TR 土耳其语
HU 匈牙利语
PL 波兰语
SK 斯洛伐克语
LA 拉丁语
NL 荷兰语
CS 捷克语
FR 法语
ES 西班牙语
DE 德语
OT 其他语言
读经确认
你完成了这一天的麦琴读经吗?
点击确认后,会在我的页面麦琴进度表中记录为已完成。
여호수아 2
Rahab Hides the Spies
1Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
2Sinabi ito sa hari ng Jerico, “Tingnan ninyo, dumating ang mga lalaki ng Israel para magmanman sa lupain.”
3Ang hari ng Jerico ay nagpasabi kay Rahab at sinabi, “Ilabas ang mga lalaking pumunta sa iyo na tumuloy sa iyong bahay, dahil naparito sila para magmanman sa buong lupain.”
4Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, “Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing.
5Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila.”
6Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
7Kaya sinundan sila ng mga lalaki sa daang papunta sa mga tawiran ng Jordan. At isinara ang mga tarangkahan pagkalabas ng mga humahabol.
The Oath of Rahab and the Spies
8Hindi pa nakakahiga ang mga lalaki para sa gabi, nang umakyat siya sa kanila sa bubong.
9Sinabi niya, “Alam ko na ibinigay ni Yahweh sa inyo ang lupain at ang takot sa inyo ay dumating sa amin. Ang lahat ng naninirahan sa lupain ay manghihina sa inyong harapan.
10Nabalitaan namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat na Pula para sa inyo noong lumabas kayo sa Ehipto. At nabalitaan namin kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—Sihon at Og—na winasak ninyong ganap.
11Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
12Kaya ngayon, pakiusap mangako ka sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na, katulad ng aking kabutihan sa inyo, pakitunguhan rin ninyo ng may kabutihan ang sambahayan ng aking ama. Bigyan ninyo ako ng isang tiyak na palatandaan
13na ililigtas ninyo ang buhay ng aking ama, ina, mga kapatid na lalaki at babae, at ang kanilang buong pamilya, at sa gayon ililigtas ninyo kami mula sa kamatayan.”
14Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
15Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod.
16Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga burol at magtago o ang mga humahabol ay makikita kayo. Magtago kayo doon sa loob ng tatlong araw hanggang ang mga humahabol ay makabalik. Pagkatapos magpatuloy na sa inyong landas.”
17Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Wala kaming pananagutan sa mga pangakong ipinagawa mo sa aming sumpaan, kung hindi mo gagawin ito:
18Kapag pumasok kami sa lupain, dapat itali mo itong matingkad na pulang lubid sa bintana na siyang pinagbabaan mo sa amin, at magtitipon kayo sa bahay ng iyong ama at ina, iyong mga lalaking kapatid at ang buong sambahayan ng iyong ama.
19Sinuman ang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay patungo sa lansangan, ang kanilang dugo ay nasa kanilang sariling mga ulo at wala kaming pananagutan. Pero kung may isang kamay na manakit sa sinumang kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay nasa aming mga ulo.
20Pero kung ipagsasabi mo itong aming pakay, kung gayon wala kaming pananagutan sa pangakong aming sinumpaan sa iyo, sa pangakong pinagawa mong aming sumpaan.”
21Sumagot si Rahab, “Matupad nawa ang inyong sinabi.” Pinaalis niya sila at umalis sila. Pagkatapos itinali niya ang matingkad na pulang lubid sa bintana.
The Spies Return and Report
22Umalis at umakyat sila sa mga burol at nanatili sila doon ng tatlong araw hanggang sa makabalik ang mga humahabol sa kanila. Naghanap ang mga humahabol sa kahabaan ng daanan at wala silang natagpuan.
23Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
24At sinabi nila kay Josue, “Totoong ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito. Natatakot ang lahat ng mga naninirahan sa lupain dahil sa atin.
시편 123, 124, 125
Eyes Lifted in Hope of Mercy
1Sa iyo ko itataas ang aking mga mata, ikaw na nakaupo sa kalangitan.
2Tingnan mo, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang amo, kung paanong tumitingin ang mga mata ng isang alilang babae sa kamay ng kaniyang among babae, gayundin ang pagtingin ng aming mga mata kay Yahweh na aming Diyos hanggang siya ay magkaroon ng awa sa amin.
3Maawa ka sa amin, O Yahweh, maawa ka sa amin, dahil kami ay puno ng kahihiyan.
4Kami ay higit na punong-puno ng pangungutya ng mga walang-galang at paghamak ng mapagmalaki.
Salvation like a Bird Escaped from the Snare
1“Kung wala si Yahweh sa ating panig,” hayaang sabihin ng Israel ngayon,
2“kung hindi si Yahweh ang nasa ating panig nang lumusob ang mga tao laban sa atin,
3tiyak lalamunin nila tayo ng buhay nang sumiklab ang kanilang matinding galit laban sa atin.
4Tatangayin tayo ng tubig; lalamunin tayo ng malakas na agos ng tubig.
5Pagkatapos lulunurin tayo ng rumaragasang tubig.”
6Purihin si Yahweh, siyang hindi nagpahintulot na magutay-gutay tayo sa pamamagitan ng kanilang mga ngipin.
7Nakatakas tayo tulad ng isang ibon mula sa patibong ng mga manghuhuli; ang patibong ay nasira at tayo ay nakatakas.
8Ang ating saklolo ay na kay Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.
The Lord Who Surrounds and Keeps like the Mountains
1Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman.
2Gaya ng mga bundok na nakapalibot sa Jerusalem, gayundin nakapalibot si Yahweh sa kaniyang bayan ngayon at magpakailanman.
3Ang setro ng kasamaan ay hindi dapat mamuno sa lupain ng mga matutuwid. Kung hindi, ang mga matutuwid ay maaring gawin kung ano ang mali.
4Yahweh, gumawa ka ng mabuti, sa kanilang mga mabuti at sa mga matuwid sa kanilang mga puso.
5Pero para naman sa kanilang mga lumilihis para sa kanilang masasamang pamamaraan, itataboy sila ni Yahweh kasama ang mga gumagawa ng masasama. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.
이사야 62
Zion's New Name and the Unceasing Watchmen
1Para sa kapakanan ng Sion ako ay hindi mananahimik, at para sa kapakanan ng Jerusalem ako ay hindi tatahimik, hanggang tuloy-tuloy nang magliwanag ang kaniyang katuwiran, at ang kaniyang kaligtasan tulad ng isang nag-aapoy na sulo.
2Makikita ng mga bansa ang inyong katuwiran, at ang inyong kaluwalhatian ng lahat ng mga hari. Ikaw ay tatawagin sa isang bagong pangalan na si Yahweh ang pipili.
3Kayo rin ay magiging isang korona ng kagandahan sa kamay ni Yahweh, at isang turban ng pagkahari sa kamay ng inyong Diyos.
4Hindi ka na kailanman tatawaging, “Pinabayaan”; ni ang inyong lupain ay kailanman tatawaging, “Malungkot.” Sa katunayan, kayo ay tatawaging “Ang aking kaluguran ay nasa kaniya,” at ang iyong lupain “May asawa,” dahil si Yahweh ay nasisiyahan sa inyo, at ang inyong lupain ay ikakasal.
5Tulad ng isang lalake na ikinakasal sa isang babae, sa gayon kayo ay pakakasalan ng inyong mga anak na lalaki. Tulad ng isang lalaking ikakasal na nagagalak sa babaeng kaniyang pakakasalan, ang inyong Diyos ay magagalak sa inyo.
6Ako ay naglagay ng mga bantay sa inyong mga pader, Jerusalem; sila ay hindi nananahimik araw at gabi. Ikaw na patuloy na nagpapaalala kay Yahweh, huwag tumigil sandali.
7Huwag mo siyang papayagang magpahinga hanggang maitatag niya muli ang Jerusalem at gawin itong isang papuri sa daigdig.
8Si Yahweh ay nangako sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay at sa pamamagitan ng lakas ng kaniyang bisig, “Siguradong hindi ko na kailanman ibibigay ang inyong butil bilang pagkain para sa inyong mga kaaway. Ang mga dayuhan ay hindi iinom ng inyong bagong alak, na inyong pinagtrabahuhan.
9Dahil ang mga umaani ng butil ang kakain nito at magpupuri kay Yahweh, at ang mga pumipitas ng mga ubas ay iinom ng alak sa mga patyo ng aking banal na santuwaryo.”
10Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga tarangkahan! Ihanda ang daan para sa bayan! Itayo ito, itayo ang daanang-bayan! Alisin ang mga bato! Magtaas ng isang hudyat na bandera para sa mga bansa!
11Pagmasdan ninyo, si Yahweh ay nagpapahayag sa dulo ng daigdig, “Sabihin sa anak na babae ng Sion: Pagmasdan mo, dumarating ang inyong Manunubos! Tingnan ninyo, dala niya ang kaniyang gantimpala,” at ang kaniyang pabuya ay mauuna sa kaniya.
12Kayo ay tatawagin nilang, “Ang bayang banal; ang tinubos ni Yahweh,” at tatawagin kayong “Tanyag; isang lungsod na hindi pinabayaan.”
마태복음 10
Jesus Sends Out the Twelve Apostles
1Tinawag ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad nang magkakasama at binigyan sila ng kapangyarihan laban sa mga masasamang espiritu, upang palayasin ang mga ito, at upang pagalingin ang lahat ng uri ng karamdaman at lahat ng uri ng sakit.
2Ngayon ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una, si Simon (na siya ring tinatawag niyang Pedro), at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid;
3si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alpeo, at si Tadeo;
4si Simon na Makabayan, at si Judas Escariote na siyang magkakanulo sa kaniya.
5Ipinadala ni Jesus ang labindalawang ito. Tinagubilinan niya ang mga ito at sinabi, “Huwag kayong pumunta sa alin mang lugar na tinitirhan ng mga Gentil, at huwag kayong papasok sa alin mang bayan ng mga Samaritano.
6Sa halip, pumunta kayo sa mga nawawalang tupa sa sambahayan ng Israel.
7At sa pagpunta ninyo, ipangaral ninyo at sabihing, 'Ang kaharian ng langit ay nalalapit na.'
8Pagalingin ninyo ang may sakit, buhayin ang patay, linisin ang mga ketongin, at palayasin ang mga demonyo. Tumanggap kayo nang walang bayad, ipamigay ninyo nang walang bayad.
9Huwag kayong magdala ng anumang ginto, pilak o tanso sa inyong mga pitaka.
10Huwag kayong magdala ng panglakbay na lalagyan, o dagdag na tunika, ni sandalyas, o di kaya'y tungkod, sapagkat nararapat sa manggagawa ang kaniyang pagkain.
11Anumang lungsod o nayon ang inyong mapuntahan, hanapin ninyo ang karapat-dapat at manatili kayo doon hanggang sa kayo ay aalis.
12Pagpasok ninyo sa bahay, batiin ninyo ang mga nandoon.
13Kung ang bahay ay karapat-dapat, pumaroon ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, hayaan ninyong bumalik ang inyong kapayapaan sa inyo.
14Sa mga hindi naman tumatanggap sa inyo o nakikinig sa inyong mga salita, kapag kayo ay umalis sa bahay o lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang mga alikabok mula sa inyong mga paa.
15Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mas mapagtitiisan pa ang lupain ng Sodoma at Gomorra sa araw ng paghuhukom kaysa sa lungsod na iyon.
Coming Persecutions Foretold
16Tingnan ninyo, ipadadala ko kayo na parang mga tupa sa kalagitnaan ng mga asong lobo, kaya maging marunong kayo tulad ng mga ahas at hindi mapanakit tulad ng mga kalapati.
17Mag-ingat kayo sa mga tao! Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga.
18At kayo ay dadalhin at ihaharap sa mga gobernador at mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila at sa mga Gentil.
19Kapag dinala nila kayo, huwag kayong mabahala kung paano o kung ano ang inyong sasabihin, sapagkat ibibigay sa inyo ang mga dapat ninyong sabihin sa oras na iyon.
20Sapagkat hindi kayo ang magsasalita subalit ang Espiritu ng inyong Ama ang siyang magsasalita sa inyo.
21Dadalhin ng kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang ama sa kaniyang anak. Sasalungat ang mga anak laban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila.
22Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makapagtitiis hanggang huli, ang taong iyon ay maliligtas.
23Kapag inusig nila kayo sa lungsod na ito, tumakas kayo sa kabila, sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo matatapos na puntahan ang mga lungsod ng Israel bago dumating ang Anak ng Tao.
24Ang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro, ni mas mataas ang lingkod sa kaniyang amo.
25Sapat na ang alagad ay maging katulad ng kaniyang guro, at ang lingkod na katulad ng kaniyang amo. Kung tinawag nilang Beelzebub ang amo ng bahay, gaano pa kaya nila ipapahiya ang buo niyang sambahayan!
Fear Him Who Is to Be Feared
26Samakatwid huwag ninyo silang katakutan, sapagkat walang lihim ang hindi nabubunyag, at walang natatago na hindi malalaman.
27Ang sinabi ko sa inyo sa kadiliman ay sabihin sa liwanag, at kung anong narinig ninyo ng mahina sa inyong tainga, ipahayag sa ibabaw ng mga bubungan.
28Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno.
29Hindi ba ang dalawang maya ay ibinenta sa isang baryang maliit ang halaga? Ngunit wala ni isa sa kanila ang nalaglag sa lupa na hindi nalalaman ng Ama.
30At kahit na ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang lahat.
31Huwag kayong matakot. Mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.
32Samakatwid ang lahat na kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko din sa harap ng Ama na nasa langit.
33Ngunit ang magtanggi sa akin sa harap ng mga tao ay itatanggi ko din sa harap ng aking Ama na nasa langit.
Not Peace, but a Sword
34Huwag ninyong isipin na pumarito ako sa lupa upang magbigay ng kapayapaan. Hindi ako dumating upang magbigay ng kapayapaan, kundi isang espada.
35Sapagkat naparito ako upang paglabanin ang isang lalaki sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenan na babae.
36Ang magiging kaaway ng tao ay kaniyang sariling sambahayan.
37Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
38Ang hindi nagbubuhat ng kaniyang krus at sumunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
39Ang naghahanap ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang mawawalan ng buhay nang dahil sa akin ay makahahanap nito.
Rewards for Receiving a Disciple
40Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin.
41Ang tumatanggap sa isang propeta dahil isang propeta siya ay makatatanggap ng gantimpalan ng isang propeta. At siya na tumatanggap sa isang matuwid na tao dahil matuwid na tao siya ay makatatanggap ng gantimpala ng isang matuwid na tao.
42Sinuman ang magbibigay sa isa sa mga hamak na mga ito, kahit na isang basong malamig na tubig upang inumin, dahil isa siyang alagad, totoo itong sasabihin ko sa inyo, hindi maaring mawala sa kaniya ang kaniyang gantimpala.”