繁
KO 韓語
EN 英語
CN 中文
JP 日語
PH 菲律賓語系
HI 印地語
BN 孟加拉語
TA 坦米爾語
TE 泰盧固語
ML 馬拉雅拉姆語
FA 波斯語
MY 緬甸語
NE 尼泊爾語
MR 馬拉地語
KN 坎那達語
HA 豪薩語
YO 約魯巴語
SW 斯瓦希里語
IG 伊博語
ID 印尼語
PT 葡萄牙語
VI 越南語
AR 阿拉伯語
RU 俄語
UK 烏克蘭語
RO 羅馬尼亞語
IT 義大利語
FI 芬蘭語
TO 東加語
HR 克羅埃西亞語
SR 塞爾維亞語
TR 土耳其語
HU 匈牙利語
PL 波蘭語
SK 斯洛伐克語
LA 拉丁語
NL 荷蘭語
CS 捷克語
FR 法語
ES 西班牙語
DE 德語
OT 其他語言
讀經確認
你完成了這一天的麥琴讀經嗎?
點選確認後,會在我的頁面麥琴進度表中記錄為已完成。
사무엘하 22
David's Song of Thanksgiving
1Umawit si David kay Yahweh ng mga salita ng kantang ito sa araw na iniligtas siya ni Yahweh palabas sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at palabas sa kamay ni Saul.
2Nanalangin siya, “Si Yahweh ay aking bato, ang aking tanggulan, ang siyang nagliligtas sa akin.
3Ang Diyos ang aking muog. Kumukuha ako ng kanlungan sa kaniya. Siya ang aking panangga, ang sungay ng aking kaligtasan, aking matibay na tanggulan, at aking kanlungan, ang siyang nagliligtas sa akin mula sa karahasan.
4Tatawag ako kay Yahweh, na karapatdapat purihin, at maliligtas ako mula sa aking mga kaaway.
5Dahil nakapalibot sa akin ang mga alon ng kamatayan. Ang walangsaysay na bugso ng mga tubig tumabon sa akin.
6Ang mga gapos ng sheol nakapalibot sa akin; binibihag ako ng patibong ng kamatayan.
7Sa aking pagkabalisa tumawag ako kay Yahweh; Tumawag ako sa aking Diyos; dininig niya ako sa aking boses mula sa kaniyang templo, at ang aking tawag para sa tulong nakarating sa kaniyang mga tainga.
8Pagkatapos naalog ang mundo at nayanig. Nangatog ang mga pundasyon ng kalangitan at inalog, dahil galit ang Diyos.
9Lumabas ang usok mula sa mga butas ng kaniyang ilong, at lumabas ang nagliliyab na apoy sa kaniyang bibig. Umapoy ang mga uling sa pamamagitan nito.
10Binuksan niya ang kalangitan at bumaba, at makapal na dilim ang nasa ibaba ng kaniyang mga paa.
11Sumakay siya sa isang anghel at lumipad. Nakita siyang lumilipad sa mga pak-pak ng hangin.
12At gumawa siya ng kadiliman sa toldang nakapalibot sa kaniya, nag-iipon ng mga mabibigat na ulap ulan sa himpapawid.
13Mula sa kidlat sa harapan niya nahulog ang mga uling ng apoy.
14Kumulog si Yahweh mula sa kalangitan. Sumigaw ang Kataas-taasan.
15Nagpatama siya ng mga pana at kinalat ang kaniyang mga kaaway — mga boltahe ng kidlat at ikinalat ito.
16Pagkatapos nagkaroon ng mga daluyan ng tubig; ang mga pundasyon ng mundo ay nagkalat sa sigaw ng digmaan ni Yahweh, sa bugso ng hininga ng mga butas ng kaniyang ilong.
17Inabot niya pababa mula sa itaas; hinawakan niya ako! Hinila niya ako palabas ng umaalon na tubig.
18Iniligtas niya ako mula sa malakas kong kaaway, mula doon sa napopoot sa akin, dahil masyado silang malakas sa akin.
19Dumating sila laban sa akin sa araw ng aking pagkabalisa, pero si Yahweh ang umalalay sa akin.
20Dinala rin niya ako sa isang malawak na lugar. Iniligtas niya ako dahil nasiyahan siya sa akin.
21Ginantimpalaan ako ni Yahweh sa sukat ng aking katuwiran; binalik niya ako sa sukat ng kalinisan ng aking mga kamay.
22Dahil pinanatili ko ang mga kaparaanan ni Yahweh at hindi gumawa ng kasamaan sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa aking Diyos.
23Dahil ang lahat ng kaniyang matuwid na mga utos ay nasa harapan ko; para sa kaniyang mga batas, hindi ako tumalikod palayo sa mga ito.
24Naging walang sala rin ako sa harapan niya, at pinanatili kong malayo ako mula sa kasalanan.
25Kaya ibinalik ako ni Yahweh sa sukat ng aking katuwiran, sa antas ng aking kalinisan sa kaniyang paningin.
26Sa isang tapat, ipinakita mo ang iyong sarili na maging tapat; sa isang tao na walang sala, ipinakita mo ang iyong sarili na maging walang sala.
27Sa mga dalisay ipinakita mo ang iyong sariling dalisay, pero ikaw ay matigas sa baluktot.
28Iniligtas mo ang mga taong nasaktan, pero laban ang iyong mga mata sa mayayabang, at ibinababa mo sila.
29Dahil ikaw ang aking lampara, Yahweh. Inilawan ni Yahweh ang aking kadiliman.
30Dahil sa pamamagitan kaya kong tumakbo sa ibabaw ng barikada; sa pamamagitan ng aking Diyos makakatalon ako sa ibabaw ng isang pader.
31Para sa Diyos, ang kaniyang paraan ay tama. Ang salita ni Yahweh ay dalisay. Siya ay isang panangga sa bawat taong nagkukubli sa kaniya.
32Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? At sino ang isang bato maliban sa ating Diyos?
33Ang Diyos ay aking kanlungan, at pinamunuan niya ang walang salang tao sa kaniyang daraanan.
34Ginawa niyang matulin ang aking mga paa gaya ng isang usa at inilagay ako sa mga bundok.
35Sinanay niya ang aking mga kamay para sa digmaan, at ang aking mga braso para iyuko ang isang tanso na pana.
36Ibinigay mo sa akin ang panangga ng iyong kaligtasan, at ang iyong biyaya ay gumawa sa akin ng dakila bagay.
37Gumawa ka ng isang malapad na lugar para sa aking mga paa na tinatapakan ko, para hindi dumulas ang aking mga paa.
38Hinabol ko ang aking mga kaaway at winasak sila. Hindi ako tumalikod hanggang sila ay mawasak.
39Nilamon ko sila at binasag sila; hindi sila makakabangon. Bumagsak sila sa ilalim ng aking mga paa.
40Nilagyan mo ako ng lakas gaya ng isang sinturon para sa labanan; inilagay mo ako sa ibaba sa mga lumalaban sa akin.
41Binigay mo sa akin ang likod ng aking mga kaaway; Winasak ko ang mga galit sa akin.
42Umiyak sila para tulungan, pero walang isang naligtas sa kanila; umiyak sila kay Yahweh, pero hindi siya sumagot sa kanila.
43Hinampas ko sila hanggang maging mga piraso tulad ng alikabok sa lupa, pinulbos ko sila gaya ng putik sa mga kalye.
44Iniligtas mo rin ako mula sa mga alitan ng sarili kong mga tao. Pinanatili mo ako bilang ulo ng mga bansa. Sa mga tao na hindi ko alam kung pinaglilingkuran ako.
45Pinilit ang mga dayuhan na yumuko sa akin. Nang panahon na narinig nila ako, sinunod nila ako.
46Dumating na nanginginig ang mga dayuhan palabas sa kanilang mga kuta.
47Buhay si Yahweh! Nawa'y purihin ang aking bato. Nawa'y maitaas ang Diyos, ang bato ang aking kaligtasan.
48Ito ang Diyos na nagsasagawa ng paghihiganti para sa akin, ang siyang nagdadala pababa sa mga tao sa ilalim ko.
49Ginawa niya akong malaya mula sa aking mga kaaway. Sa katunayan, itinaas mo ako sa ibabaw ng mga lumalaban sa akin. Iniligtas mo ako mula sa marahas na kalalakihan.
50Kung kaya magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo, Yahweh, sa piling ng mga bansa; Aawit ako ng mga pasasalamat sa iyong pangalan.
51Nagbibigay ng dakilang tagumpay ang Diyos sa kaniyang hari, at ipinapakita niya ang kaniyang katapatang tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.”
갈라디아서 2
The Gospel to the Gentiles Affirmed by the Apostles
1At pagkatapos ng labing-apat na taon muli akong pumunta sa Jerusalem na kasama si Bernabe. Isinama ko din si Tito.
2Pumunta ako dahil ipinakita sa akin ng Diyos na dapat akong pumunta. Inilahad ko sa kanila ang ebanghelyo na aking ipinapahayag sa mga Gentil. (Ngunit nakipag-usap ako nang sarilinan sa mga waring mga mahahalagang mga pinuno). Ginawa ko ito upang tiyakin na hindi ako tumatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.
3Ngunit kahit si Tito, na kasama ko, na isang Griego, ay hindi napilit na patuli.
4Ang mga bagay na ito ay lumitaw dahil sa nagpapanggap na mga kapatid na patagong dumating upang manmanan ang kalayaang mayroon tayo kay Cristo Jesus. Nais nilang maging alipin tayo sa kautusan.
5Hindi kami nagpasakop sa kanila ng kahit isang oras, upang ang katotohanan ng ebanghelyo ay manatiling walang pababago para sa inyo.
6Ngunit walang naiambag sa akin iyong mga sinasabi ng iba na mga pinuno. Kung ano man sila ay hindi mahalaga sa akin. Hindi tinatanggap ng Diyos ang itinatangi ng mga tao.
7Sa halip, nakita nila na ako ay pinagkatiwalaan na ipahayag ang ebanghelyo sa mga hindi pa tuli. Tulad ni Pedro na nagpapahayag ng ebanghelyo sa mga tuli.
8Dahil ang Diyos, na kumikilos kay Pedro sa pagiging apostol sa mga tuli, ay kumilos din sa akin para sa mga Gentil.
9Nang si Santiago, Cepas, at Juan, na kinikilalang nagtayo ng iglesia, ay naunawaan ang biyaya na ibinigay sa akin, ibinigay nila kay Bernabe at sa akin ang kanang kamay ng pakikisama. Ginawa nila ito upang kami ay pumunta sa mga Gentil, at upang pumunta sila sa mga tuli.
10Nais din nilang alalahanin namin ang mga mahihirap. Ako din ay nananabik na gawin ang bagay na ito.
Paul Rebukes Peter at Antioch
11Ngayon noong dumating si Cepas sa Antioquia, tinutulan ko siya ng harapan dahil mali siya.
12Bago pa dumating ang mga taong galing kay Santiago, nakikisalo si Cefas sa mga Gentil. Ngunit nang dumating ang mga taong ito, huminto siya at lumayo mula sa mga Gentil. Natakot siya sa mga taong ito na nag-uutos ng pagtutuli.
13Ganoon din, ang ilang mga Judio ay nakisama sa pagkukunwaring ito ni Cefas. Ang kinahinatnan, kahit si Bernabe din ay nadala sa kanilang pagkukunwari.
14Ngunit noong nakita ko na hindi na sila sumusunod sa katotohanan ng ebanghelyo, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, “Kung ikaw ay Judio ngunit namumuhay sa paraan ng mga Gentil sa halip na sa paraan ng Judio, paano mo mapipilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio?”
Justified by Faith
15Kami na ipinanganak na Judio at hindi “makasalanang mga Gentil” ,
16alam namin na walang sinuman ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sa halip, pinawalang-sala sila sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo Jesus. Tayo ay nanampalataya kay Cristo Jesus upang maaari tayong mapawalang-sala sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sapagkat sa pammamagitan ng paggawa ng kautusan, walang laman ang mapapawalang-sala.
17Ngunit kung hangarin natin na ipawalang-sala tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, makikita din natin ang ating mga sarili na makasalanan, naging alipin ba si Cristo ng kasalanan? Huwag nawa itong mangyari!
18Sapagkat kung itatayo ko muli ang aking pagtitiwala sa pagsunod ng kautusan, ang pagtitiwala na aking sinira, ipinapakita ko ang aking sarili na sumusuway sa kautusan.
19Sa pamamagitan ng kautusan, namatay ako sa kautusan, upang maaari akong mabuhay para sa Diyos.
20Naipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay, ngunit si Cristo na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ngayon na aking ikinabubuhay sa laman, ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.
21Hindi ko ipinagwawalang-halaga ang biyaya ng Diyos, sapagkat kung ang pagkamakatuwiran ay umiiral sa pamamagitan ng kautusan, kung gayon si Cristo ay namatay nang walang kabuluhan.
에스겔 29
Judgment on Pharaoh of Egypt Like a Great Monster
1Sa ika-sampung taon, sa ika-siyam na buwan at ika-labing dalawang araw ng buwan, nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi,
2“Anak ng tao, ihanda mo ang iyong sarili laban sa Paraon, ang hari ng Egipto; magpahayag ka laban sa kaniya at laban sa lahat ng taga Egipto!
3Ipahayag mo at sabihin, 'Ang Panginoong Yahweh ang nagsabi nito: Masdan! Laban ako sa iyo, Paraon, hari ng Egipto! Ikaw, ang dambuhalang nilalang sa dagat na nakahiga sa ilalim ng ilog, na nagsasabi sa akin, “Pinagawa ko ang ilog para sa sarili ko!”
4Dahil maglalagay ako ng pangawil sa iyong panga at ang mga isda ng iyong Nilo ay kakapit sa iyong mga kaliskis; iaangat kita paitaas mula sa gitna ng iyong ilog kasama ang lahat ng isda sa ilog na kumapit sa iyong kaliskis.
5Itatapon kita pababa sa ilang, ikaw at ang lahat ng isda mula sa iyong ilog. Malalaglag ka sa ibabaw ng parang, hindi ka pupulutin ni itataas. Ibibigay kita bilang pagkain ng mga nabubuhay na mga bagay sa mundong ito at mga ibon sa mga kalawakan!
6At malalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Egipto na ako si Yahweh, dahil sila ay naging tungkod na tambo sa sambahayan ng Israel!
7Nang mahawakan ka nila sa kanilang kamay, nabali ka at nagkaputol-putol at tinusok mo ang kanilang balikat, at nang sumandal sila sa iyo, dinurug mo ang kanilang mga hita at pinanginig mo ang kanilang balakang.
8Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: Masdan! Magdadala ako ng espada laban sa iyo; papatayin kong pareho mula sainyo ang tao at ang hayop.
9Kaya magigiba at masisira ang lupain ng Egipto; at malalaman nila na ako si Yahweh, dahil sinabi ng dambuhala sa dagat, “Ang ilog ay akin, dahil ako ang gumawa nito!''
10Kaya, masdan! Laban ako sa iyo at laban sa iyong ilog, kaya gagawin kong ilang ang lupain ng Egipto at hindi mapakinabangan, kaya ikaw ay magiging lupain na walang pakinabang magmula sa Migdol hanggang Sevene at sa mga hangganan ng Kush.
11Walang paa ng tao ang dadaan dito! Walang paa ng mga hayop ang dadaan dito! At hindi ito matitirahan ng apatnapung taon!
12Dahil gagawin kong ilang sa gitna ng mga lupain ng Egipto na hindi natirahan at ang kaniyang mga lungsod sa gitna ng mga walang pakinabang na lungsod at magiging ilang ng apatnapung mga taon; pagkatapos ay ikakalat ko ang mga taga-Egipto sa mga bansa at paghihiwa-hiwalayin ko sila sa mga lupain.
13Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa pagtatapos ng apatnapung taon, titipunin ko ang mga taga-Egipto mula sa mga tao kung saan sila ikinalat.
14Ibabalik ko ang mga kabuhayan sa Egipto at ibabalik ko sila sa lupain ng Patros, sa lupain kung saan sila nagmula. Pagkatapos sila ay magiging isang mababang kaharian doon.
15At ito ang magiging pinakamababa sa mga kaharian at hindi na siya kailanman makakahigit sa ibang mga bansa. At babawasan ko sila upang hindi sila muling mamumuno sa mga bansa.
16At hindi na ang mga taga-Egipto ang idadahilan na sasandalan ng mga sambayanan ng Israel. Sa halip, ipaalaala nila sa mga sambayanan ni Israel ang kanilang nagawanng kasalanan noong sila ay nagpunta sa Egipto upang humingi ng tulong. Pagkatapos ay malalaman nila na Ako ang Panginoon Yahweh!””
The Land of Egypt Given to Nebuchadnezzar
17At nangyari na noong ika-dalawampu at pitong taon sa unang araw ng unang buwan, nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi,
18“Anak ng tao, inihanda na ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang kaniyang mga kawal upang gawin ang mabigat na gawain laban sa Tiro. Bawat ulo ay naahit at bawat balikat ay nalapnos ngunit kahit kailan wala silang bayad mula sa Tiro para sa kaniya at sa kaniyang hukbo sa mabigat na trabaho na ginawa nila laban sa Tiro.
19Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh, 'Masdan! Ibibigay ko ang lupain ng Egipto kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia at hahakutin nila ang mga kayamanan nila at lilimasin ang mga ari-arian at dadalhin lahat ang kaniyang matagpuan doon; at iyan ang maging sahod ng kaniyang mga kawal!
20Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto para sa mga sahod sa ginawa nilang trabaho para sa akin - ito ang ipinahayag ng Panginoong Yahweh.
21Sa araw na iyon ay palilitawin ko ang isang sungay para sa sambahayan ni Israel, at pagsasalitain ko kayo sa gitna nila, upang malaman nila na ako si Yahweh!”'
시편 78:1-37
God's Deeds Handed Down to the Generations
1Dinggin ninyo ang aking mga tinuturo, aking bayan, makinig kayo sa mga salita ng aking bibig.
2Bubuksan ko ang aking bibig sa mga talinhaga; aawit ako tungkol sa mga bagay na lihim tungkol sa nakaraan.
3Ito ang mga bagay na narinig at natutunan natin, mga bagay na sinabi sa atin ng ating mga ninuno.
4Hindi natin ito itatago sa kanilang mga kaapu-apuhan. Sasabihin natin sa susunod na salinlahi ang tungkol sa kapuri-puring mga bagay na ginawa ni Yahweh, ang kaniyang kalakasan, at ang mga kababalaghan na kaniyang ginawa.
5Dahil tinatag niya ang mga utos sa tipan kay Jacob at nagtalaga ng batas sa Israel. Inutusan niya ang ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak.
6Inutos niya ito para malaman ng darating na salinlahi ang kaniyang mga tuntunin, ang mga bata na hindi pa ipinapanganak ay dapat din nilang sabihin ito sa kanilang mga magiging anak.
7Pagkatapos, ilalagak nila ang kanilang pag-asa sa Diyos at hindi kalilimutan ang mga ginawa niya pero susundin ang kaniyang mga kautusan.
8Pagkatapos, hindi sila magiging katulad ng kanilang mga ninuno, na matigas ang ulo at rebeldeng salinlahi, salinlahi na hindi tama ang mga puso, at hindi mapagkakatiwalaan at hindi tapat sa Diyos.
9Ang mga taga-Efraim ay armado ng mga pana, pero umatras sila sa araw ng labanan.
10Hindi nila iningatan ang tipan sa Diyos, at tumanggi silang sumunod sa kaniyang batas.
11Nakalimutan nila ang kaniyang mga ginawa, ang mga kamangha-manghang bagay na ipinakita niya sa kanila.
12Gumawa siya ng kahanga-hangang mga bagay sa harap ng kanilang mga ninuno sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Soan.
13Hinati niya ang dagat at dinala sila sa kabila nito; pinatayo niya ang mga tubig na gaya ng mga pader.
14Sa umaga, pinangunahan niya sila ng ulap at sa buong gabi sa liwanag ng apoy.
15Biniyak niya ang mga bato sa ilang, at binigyan sila ng maraming tubig, sapat para punuin ang kailaliman ng dagat.
16Nagpaagos siya ng tubig mula sa bato at pinadaloy ang tubig gaya ng mga ilog.
17Pero pinagpatuloy pa rin nilang magkasala sa inyo, nagrerebelde laban sa Kataas-taasang Diyos sa ilang.
18Hinamon nila ang Diyos sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng paghingi ng pagkain para pawiin ang kanilang gutom.
19Nagsalita sila laban sa Diyos: Sabi nila, “Kaya ba talaga ng Diyos na maglatag ng lamesa para sa atin sa ilang?
20Tingnan ninyo, nang hinampas niya ang bato, bumulwak ang tubig at nag-umapaw ang pagdaloy nito. Pero kaya din ba niya na magbigay ng tinapay? Magbibigay ba siya ng karne para sa kaniyang bayan?
21Nang narinig ito ni Yahweh, nagalit siya; kaya nag-alab ang kaniyang apoy laban kay Jacob, nilusob ng galit niya ang Israel,
22dahil hindi sila naniwala sa Diyos at hindi sila nagtiwala sa kaniyang kaligtasan.
23Gayumpaman, inutusan niya ang mga kalangitan at binuksan ang pinto nito.
24Nagpaulan siya ng manna para sa kainin nila, at binigyan sila ng butil mula sa langit.
25Kinain ng mga tao ang tinapay ng mga anghel. Nagpadala siya sa kanila ng masaganang pagkain.
26Pinaihip niya ang silangang hangin sa kalangitan, at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginabayan niya ang katimugang hangin.
27Nagpaulan siya ng karne para sa kanila gaya ng alikabok, mga ibon na singdami ng mga buhangin sa dagat.
28Nahulog ito sa gitna ng kanilang kampo, sa buong paligid ng kanilang mga tolda.
29Kaya kumain sila at nabusog. Binigay niya ang gusto nila.
30Pero hindi pa rin sila nabusog; ang kanilang pagkain ay nasa mga bibig pa rin nila.
31Pagkatapos, nilusob sila ng galit ng Diyos at pinatay ang pinakamalalakas sa kanila. Tinumba niya ang mga batang lalaki ng Israel.
32Sa kabila nito, patuloy pa rin silang nagkasala at hindi sila naniwala sa kaniyang kahanga-hangang mga ginawa.
33Dahil dito, pinaikli ng Diyos ang kanilang mga araw; ang kanilang mga taon ay napuno ng takot.
34Sa tuwing pinapahirapan sila ng Diyos, nagsisimula silang hanapin siya, at babalik sila at masidhing hahanapin siya.
35Maaalala nila na ang Diyos ang kanilang bato at ang Kataas-taasang Diyos ang kanilang tagapagligtas.
36Pero bobolahin siya nila sa pamamagitan ng kanilang bibig at magsisinungaling sila sa pamamagitan ng kanilang mga salita.
37Dahil ang kanilang mga puso ay hindi matatag na nakatuon sa kaniya, at hindi sila tapat sa kaniyang tipan.