繁
KO 韓語
EN 英語
CN 中文
JP 日語
PH 菲律賓語系
HI 印地語
BN 孟加拉語
TA 坦米爾語
TE 泰盧固語
ML 馬拉雅拉姆語
FA 波斯語
MY 緬甸語
NE 尼泊爾語
MR 馬拉地語
KN 坎那達語
HA 豪薩語
YO 約魯巴語
SW 斯瓦希里語
IG 伊博語
ID 印尼語
PT 葡萄牙語
VI 越南語
AR 阿拉伯語
RU 俄語
UK 烏克蘭語
RO 羅馬尼亞語
IT 義大利語
FI 芬蘭語
TO 東加語
HR 克羅埃西亞語
SR 塞爾維亞語
TR 土耳其語
HU 匈牙利語
PL 波蘭語
SK 斯洛伐克語
LA 拉丁語
NL 荷蘭語
CS 捷克語
FR 法語
ES 西班牙語
DE 德語
OT 其他語言
讀經確認
你完成了這一天的麥琴讀經嗎?
點選確認後,會在我的頁面麥琴進度表中記錄為已完成。
역대하 36
The Reigns of Jehoahaz and Jehoiakim
1Pagkatapos ay pinili ng mga tao ng lupain si Jehoahaz na anak ni Josias at ginawa siyang hari bilang kapalit ng kaniyang ama sa Jerusalem.
2Si Jehoahaz ay dalawampu't tatlong taong gulang nang magsimula siyang maghari, at naghari siya ng tatlong buwan sa Jerusalem.
3Tinanggal siya ng hari ng Ehipto sa Jerusalem at pinagmulta ang lupain ng isang daang talentong pilak at isang daang talentong ginto.
4Ginawa ng hari ng Ehipto si Eliakim, na kaniyang kapatid bilang hari ng Juda at Jerusalem at binago ang kaniyang pangalan sa Jehoiakim. Pagkatapos, dinala niya ang kapatid ni Eliakim na si Jehoahaz at dinala siya sa Ehipto.
5Dalawampu't limang taong gulang si Jehoiakim nang magsimula siyang maghari, at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano ang masamang sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos.
6At nilusob siya ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at iginapos siya ng kadena upang dalhin sa Babilonia.
7Dinala rin ni Nebucadnezar ang ilan sa mga bagay sa tahanan ni Yahweh sa Babilonia at inilagay ang mga iyon sa kaniyang palasyo sa Babilonia.
8Para naman sa mga ibang usapin tungkol kay Jehoiakim, ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa niya at ang mga nalaman laban sa kaniya ay nasusulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. Pagkatapos, ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang pumalit sa kaniya bilang hari.
The Reigns of Jehoiachin and Zedekiah
9Walong taong gulang si Jehoiakin nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng tatlong buwan at sampung araw sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano masama sa paningin ni Yahweh.
10Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.
11Dalawampu't-isang taong gulang si Zedekias nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem.
12Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos. Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ng propetang si Jeremias, na nagsasalita mula sa bibig ni Yahweh.
13Naghimagsik din si Zedekias laban kay Haring Nebucadnezar, na siyang nagpasumpa sa kaniya ng katapatan sa pamamagitan ng Diyos. Ngunit pinatigas ni Zedekias ang kaniyang ulo at pinatigas ang kaniyang puso sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
14Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
15Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
16Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
The Fall of Jerusalem and the Babylonian Exile
17Kaya dinala ng Diyos sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang pumatay sa kanilang mga kabataan sa pamamagitan ng mga tabak sa santuwaryo at walang habag sa mga kabataang lalaki o mga birhen, mga matatandang lalaki o ang mga puti na ang buhok. Ibinigay silang lahat ng Diyos sa kaniyang kamay.
18Lahat ng kagamitan ng tahanan ng Diyos, malaki at maliit, ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at ang mga kayamanan ng hari at kaniyang mga opisyal—ang lahat ng mga ito ay dinala niya sa Babilonia.
19Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
20Dinala ng hari sa Babilonia ang mga nakaligtas sa tabak. Sila ay naging lingkod niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa nangyari ang pamumuno ng kaharian ng Persia.
21Nangyari ito upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa masiyahan ang lupain sa kaniyang Araw ng Pamamahinga. Sapagkat habang ang lupain ay pinabayaan ipinagdiwang nito ang Araw ng Pamamahinga sa loob ng pitumpung taon.
The Decree of Cyrus for the Return
22Ngayon sa unang taon ni Ciro, ang hari ng Persia, upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, inudyukan ni Yahweh ang espiritu ni Ciro, ang hari ng Persia, kaya gumawa siya ng pahayag sa lahat ng kaniyang kaharian at isinulat din ang mga ito. Sinabi niya,
23“Ito ang sinabi ni Ciro, ang hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa mundo. Inutusan niya ako na magtayo ng isang tahanan para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda. Kung sino man sa inyo ang kabilang sa kaniyang mga tao, nawa si Yahweh na inyong Diyos ay sumainyo. Pinahihintulutan kitang pumunta sa lupain.”
요한계시록 22
The River of the Water of Life and the Tree of Life
1Pagkatapos ipinakita sa akin ng anghel ang ilog ng tubig ng buhay, ang tubig ay kasing linaw ng kristal. Dumadaloy ito mula sa trono ng Diyos at ng Kordero,
2sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay na nagbubunga ng labingdalawang uri ng prutas, at sa bawat buwan ay namumunga ito. Ang mga dahon ng puno ay para mapagaling ang bansa.
3Wala na kahit anumang sumpa. Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay matatagpuan sa lungsod at paglilingkuran siya ng kaniyang mga lingkod.
4Makikita nila ang kaniyang mukha at ang kaniyang pangalan ay malalagay sa kanilang mga noo.
5Wala nang magiging gabi, hindi na sila mangangailangan ng liwanag ng ilawan o sikat ng araw dahil ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Maghahari sila magpakailan pa man.
The Promise of Coming Soon and the Warning
6Sinabi sa akin ng anghel, “Ang mga salitang ito ay mapagkakatiwalaan at totoo. Ang Panginoon, ang Diyos ng mga espiritu ng mga propeta, ay ipinadala ang kaniyang anghel para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit ng maganap.”
7“Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Pinagpala ang siyang sumusunod sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito.”
8Ako, si Juan, ang siyang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. Nang aking makita at narinig sila, ipinatirapa ko ang aking sarili sa paanan ng anghel para sambahin siya, ang anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
9Sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan!” Ako ay tulad mo ring lingkod na kasama mo, kasama ng iyong mga kapatid na mga propeta, at kasama ng mga sumusunod sa mga salita ng aklat na ito. Sambahin ang Diyos!”
10Sinabi niya sa akin, “Huwag mong selyuhan ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, dahil ang oras ay malapit na.
11Siya na hindi matuwid, hayaan siyang magpatuloy na gawin ang hindi matuwid. Siya na marumi ang moralidad, hayaan siyang magpatuloy sa pagiging marumi ang moralidad. Siya na matuwid, hayaan siyang magpatuloy na gumawa ng matuwid. Siya na banal, hayaan siya na magpatuloy na maging banal.
12Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Ang aking gantimpala ay nasa akin, para gantihan ang bawat isa ayon sa anuman na kaniyang ginawa.
13Ako ang Alpa at ang Omega, ang Una at ang Huli, ang Simula at ang Katapusan.
14Pinagpala ang mga naglilinis ng kanilang mga balabal kaya magkakaroon sila ng karapatan para makakain nang mula sa puno ng buhay at para makapasok sa lungsod sa pamamagitan ng mga tarangkahan.
15Nasa labas ang mga aso, ang mga mangkukulam, ang sekswal na imoralidad, ang mga mamamatay tao, ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at ang lahat ng nagmamahal at gumagawa ng kasinungalingan.
The Final Testimony and the Plea for the Lord
16Ako, si Jesus, ipinadala ko ang aking anghel para magpatotoo sa inyo tungkol sa mga bagay para sa mga iglesiya. Ako ang ugat at ang kaapu-apuhan ni David, ang maningning na Bituin sa Umaga.
17Sinasabi ng Espiritu at ng Babaeng ikakasal, “Halika! Hayaang sabihin ng nakaririnig, “Halika!” Sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit, at sinuman ang nagnanais nito, hayaan siya na malayang magkaroon ng tubig ng buhay.
18Pinatototohanan ko sa bawat isang nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: Kung sinumang magdagdag sa mga ito, ang Diyos ang magdadagdag sa kaniya ng mga salot na tulad ng nakasaad sa aklat na ito.
19Kung sinuman ang mag-aalis mula sa mga salita ng aklat na ito ng propesiya, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod, na nakasulat tungkol sa aklat na ito.
20Siyang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay sinasabi, “Oo! Malapit na akong dumating.” Amen! Halika, Panginoong Jesus!
21Sumainyong nawa lahat ng biyaya ng Panginoong Jesus. Amen.
말라기 4
The Day of the Lord and the Sun of Righteousness
1Sapagkat tingnan ninyo, ang araw ay dumarating, na nagliliyab na parang isang pugon, kapag ang lahat ng mayabang at lahat ng gumagawa ng masama ay magiging parang dayami. Susunugin sila sa araw na paparating,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “upang walang maiwan kahit ugat at maging sanga man.
2Ngunit sa inyong may takot sa aking pangalan, sisikat ang araw nang katuwiran na may kagalingan sa mga pakpak nito. Lalabas kayo na lumulukso katulad ng guya mula sa kulungan.
3Tatapakan ninyo ang masasama, sapagkat sila ay magiging mga abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa araw na gawin ko,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
I Will Send Elijah
4“Alalahanin ninyong sundin ang utos ng aking lingkod na si Moises, ang mga kasunduan at alituntunin na iniutos ko sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel.
5Tingnan ninyo, isusugo ko sa inyo si Elias, na propeta bago dumating ang dakila at katakut-takot na araw ni Yahweh.
6At ipapanumbalik niya ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga ama; upang hindi ako darating at lusubin ang lupain nang may ganap na pagkawasak.”
요한복음 21
Jesus Appears at the Sea of Tiberias
1Pagkatapos ng mga ito, nagpakita muli si Jesus sa mga alagad sa Dagat ng Tiberias; sa ganito niya pinakita ang kaniyang sarili:
2Si Simon Pedro kasama sila Tomas na tinatawag na Didimus, Nataniel na mula sa Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedee, at iba pang dalawang alagad ni Jesus.
3Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Ako ay mangingisda.” Sinabi nila sa kaniya, “Kami rin ay sasama sa iyo.” Umalis sila at sumakay sa isang bangka, ngunit sa buong gabing iyon ay wala silang nahuli.
4Nang magbubukang liwayway na, tumayo si Jesus sa dalampasigan, ngunit hindi nakikilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.
5At sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga kabataan, mayroon ba kayong kahit anumang makakain? Sumagot sila sa kaniya, “Wala.”
6Sinabi niya sa kanila, “Ihagis ninyo ang lambat sa kanang bahagi ng bangka at mayroon kayong mahuhuli.” Kaya inihagis nga nila ang kanilang lambat, ngunit hindi na nila ito mahatak dahil sa dami ng mga isda.
7Pagkatapos sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon.” Nang marinig ni Simon Pedro na siya ang Panginoon, sinuot niya ang kaniya damit panlabas ( dahil siya ay bahagyang nakahubad), at tumalon sa dagat.
8Ang ibang mga alagad ay sumakay sa bangka (dahil sila ay hindi naman malayo mula sa lupa, humigit kumulang, mga dalawang daang kubit), at kanilang hinihila ang lambat na puno ng isda.
9Nang makaahon sila sa lupa, may nakita sila nagbabagang uling at may isdang nakalagay sa ibabaw nito, at may tinapay.
10Sinabi sa kanila ni Jesus, “Magdala kayo ng ilang mga isda na kahuhuli ninyo pa lamang.”
11Umakyat si Simon Pedro at hinatak ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, 153 ang mga ito, kahit napakarami ng mga ito, ang lambat ay hindi napunit.
12Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo at mag-almusal.” Wala sa mga alagad ang nagtangkang magtanong sa kaniya na, “Sino ka?” Alam nila na siya ang Panginoon.
13Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay, at ibinigay ito sa kanila, ganoon din ang isda.
14Ito ang ikatlong beses na pinakita ni Jesus ang kaniyang sarili sa mga alagad pagkatapos niyang bumangon mula sa patay.
Jesus Restores Peter
15Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon anak ni Juan, mas mahal mo ba ako kaysa sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga tupang bata.”
16Sa pangalawang pagkakataon, sinabi niya muli sa kaniya, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako? Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Alagaan mo ang aking mga tupa”.
17Sinabi ni Jesus sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro dahil sinabi sa kanya ni Jesus ng ikatlong beses, “Mahal mo ba ako?” Sinabi niya sa kaniya, “Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking tupa”.
18Tunay nga sinabi ko sa iyo, noong bata ka pa, dinadamitan mo ang iyong sarili at lumalakad ka kahit saan mo gusto; subalit pagtumanda ka na, iuunat mo ang iyong mga kamay, at ibang tao ang magdadamit sa iyo at dadalhin ka sa lugar na ayaw mong puntahan.”
19Ngayon sinabi ito ni Jesus upang ipakita kung anong uri ng kamatayan na maluluwalhati ni Pedro ang Diyos. Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi niya kay Pedro, “Sumunod ka sa akin.”
20Lumingon si Pedro at nakita ang alagad na minamahal ni Jesus na sumusunod sa kanila - na siya ring sumandal sa dibdib ni Jesus sa hapunan at nagsabi, “Panginoon, sino ang magkakanulo sa iyo?
21Nakita siya ni Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, ano ang gagawin ng lalaking ito?”
22Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais kong maghintay siya hangang sa aking pagbalik, ano iyon sa iyo? Sumunod ka sa akin.”
23Kaya itong pahayag na ito ay kumalat sa mga kapatiran, na yung alagad na iyon ay hindi mamamatay. Ngunit hindi sinabi ni Jesus kay Pedro na ang alagad na ito ay hindi mamamatay, ngunit, “Kung nais ko na dapat siyang maghintay hanggang sa aking pagbalik, ano iyon sa iyo?”
24Ito ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito, at siya ang sumulat ng mga bagay na ito, at alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.
25Marami pa ring ibang mga bagay ang ginawa ni Jesus. Kung ang bawat isa ay naisulat, sa palagay ko kahit ang mundo mismo ay hindi mapagkakasya ang mga aklat na maisusulat.