scripture.how 聖書写経
JA

Copywork

Tagalog ULB Numbers 7장

写経は速く終える入力練習ではなく、一節ずつみ言葉の文と流れを改めて受け止める時間です。入力内容はこのブラウザに一時保存され、ログインするとアカウントにも保存されます。

KO 韓国語
ZH 中国語
JA 日本語
HI ヒンディー語
BN ベンガル語
TA タミル語
TE テルグ語
ML マラヤーラム語
FA ペルシア語
MY ビルマ語
NE ネパール語
MR マラーティー語
KN カンナダ語
HA ハウサ語
YO ヨルバ語
SW スワヒリ語
IG イボ語
ID インドネシア語
TSI
PT ポルトガル語
VI ベトナム語
AR アラビア語
AVD
RU ロシア語
UK ウクライナ語
RO ルーマニア語
BTF
IT イタリア語
FI フィンランド語
TO トンガ語
HR クロアチア語
SR セルビア語
TR トルコ語
HU ハンガリー語
PL ポーランド語
SK スロバキア語
LA ラテン語
NL オランダ語
CS チェコ語
FR フランス語
ES スペイン語
DE ドイツ語
ETC その他の言語

小見出し単位で進める · Numbers

1:1-16 The Command to Take a Census in the Wilderness of Sinai 1:17-46 The Number of Fighting Men by Tribe 1:47-54 The Levites Set Apart for the Tabernacle 2:1-16 The Camp Arrangement on the East and South 2:17-34 The Order of March Around the Tent of Meeting 3:1-13 The Sons of Aaron and the Levites Appointed 3:14-39 The Levites Numbered by Clan 3:40-51 The Levites and the Redemption of the Firstborn 4:1-20 The Duties of the Kohathites Carrying the Holy Things 4:21-33 The Duties of the Gershonites and Merarites 4:34-49 The Number of Levites by Clan for Service 5:1-4 Sending the Unclean Outside the Camp 5:5-10 The Law of Restitution for Wrongdoing 5:11-31 The Grain Offering of Jealousy and the Test for Adultery 6:1-21 The Vow and Law of the Nazirite 6:22-27 The Priestly Blessing 7:1-11 The Offerings of the Leaders at the Dedication 7:12-83 The Offerings of the Twelve Tribal Leaders 7:84-89 The Total of the Dedication Offerings and the Voice 8:1-4 Setting Up the Seven Lamps of the Lampstand 8:5-22 The Cleansing and Presentation of the Levites 8:23-26 The Term of Service for the Levites 9:1-14 The Second Passover and the Law for the Unclean 9:15-23 The Cloud and Fire Guiding the March 10:1-10 Making the Silver Trumpets for Signaling 10:11-28 The First March from the Wilderness of Sinai 10:29-36 Asking Hobab to Be a Guide 11:1-3 Judgment by Fire at Taberah 11:4-15 The People Complain Craving Meat 11:16-30 The Spirit Shared with the Seventy Elders 11:31-35 The Quail and the Plague at Kibroth-hattaavah 12:1-9 Miriam and Aaron Oppose Moses 12:10-16 Miriam Struck with Leprosy and Restored 13:1-24 Spies Sent to Explore the Land of Canaan 13:25-33 The Conflicting Report of the Spies 14:1-19 The People Rebel and Moses Intercedes 14:20-38 The Sentence of Forty Years in the Wilderness 14:39-45 A Reckless Advance and Defeat 15:1-16 Grain and Drink Offerings to Accompany Sacrifices 15:17-21 The Offering of the Firstfruits of the Dough 15:22-31 Atonement for Unintentional Sins 15:32-36 The Execution of the Sabbath-Breaker 15:37-41 The Command to Make Tassels with Blue Cords 16:1-22 The Rebellion of Korah and His Company 16:23-35 Judgment as the Earth Splits and Swallows Them 16:36-40 The Censers Hammered into a Covering for the Altar 16:41-50 The Plague upon the Murmuring Congregation 17:1-13 Aaron's Staff That Budded 18:1-7 The Duties and Responsibilities of Priests and Levites 18:8-20 The Portion Belonging to the Priests 18:21-32 The Tithe of the Levites and Their Tithe 19:1-10 Preparing the Ashes of the Red Heifer 19:11-22 Uncleanness from the Dead and the Water of Purification 20:1-13 The Death of Miriam and the Waters of Meribah 20:14-21 Edom Refuses Passage 20:22-29 The Death of Aaron on Mount Hor 21:1-3 The Defeat of the King of Arad 21:4-9 The Bronze Serpent Lifted Up to Save the People 21:10-20 The Journey Toward the Border of Moab 21:21-35 The Conquest of Sihon and Og 22:1-20 Balak Summons Balaam 22:21-35 The Speaking Donkey and the Angel of the LORD 22:36-41 The Meeting of Balak and Balaam 23:1-26 Balaam's First and Second Oracles 23:27-30 Moving to Another Place to Prophesy 24:1-14 The Third Oracle Blessing Israel 24:15-25 The Final Oracle of the Star and the Scepter 25:1-18 The Sin of Baal of Peor and the Zeal of Phinehas 26:1-51 A Second Census on the Plains of Moab 26:52-56 The Principle for Dividing the Inheritance 26:57-65 The Census of the Tribe of Levi 27:1-11 The Inheritance Plea of Zelophehad's Daughters 27:12-23 Joshua Appointed as Successor 28:1-15 The Daily and Sabbath Regular Offerings 28:16-31 The Offerings for Passover and the Feast of Weeks 29:1-11 The Offerings for the Feast of Trumpets and the Day of Atonement 29:12-40 The Offerings for the Seven Days of the Feast of Tabernacles 30:1-16 Regulations on the Binding Force of Vows 31:1-24 The War of Vengeance Against Midian 31:25-54 The Rules for Dividing the Spoils 32:1-27 The Request of the Tribes of Reuben and Gad 32:28-42 The Allotment of Land East of the Jordan 33:1-49 The Record of the Journey from Egypt to Moab 33:50-56 The Command to Drive Out the Inhabitants of Canaan 34:1-15 The Boundaries of the Land of Canaan 34:16-29 The Leaders Who Will Divide the Inheritance 35:1-8 The Towns and Pasturelands of the Levites 35:9-34 The Law Concerning the Cities of Refuge 36:1-13 The Marriage Rules for Women Who Inherit
7:1
待機

Sa araw na natapos ni Moises ang tabernakulo, binuhusan niya ito ng langis at itinalaga ito kay Yahweh, kasama ang lahat kagamitan. Ganoon din ang ginawa niya sa altar at lahat ng kagamitan nito. Binuhusan niya ng langis ang mga ito at itinalaga kay Yahweh.

7:2
待機

Sa araw na iyon, nag-alay ng mga handog ang mga pinuno ng Israel, ang mga pangulo ng mga pamilya ng kanilang ninuno. Ang mga taong ito ang nangunguna sa mga tribu. Pinamahalaan nila ang pagbibilang ng mga kalalakihan sa sensus.

7:3
待機

Dinala nila ang kanilang mga handog sa harapan ni Yahweh. Nagdala sila ng anim na karitong may takip at labindalawang lalaking baka. Nagdala sila ng isang kariton para sa bawat dalawang pinuno, at nagdala ang bawat pinuno ng isang lalaking baka. Idinulog nila ang mga bagay na ito sa harapan ng tabernakulo.

7:4
待機

Pagkatapos, kinausap ni Yahweh si Moises. Sinabi niya,

7:5
待機

“Tanggapin mo ang mga handog mula sa kanila at gamitin ang mga handog para sa gawain sa tolda ng pagpupulong. Ibigay mo ang mga handog sa mga Levita, sa bawat isa ayon sa kailangan ng kaniyang gawain.”

7:6
待機

Kinuha ni Moises ang mga kariton at ang mga lalaking baka, at ibinigay niya ang mga ito sa mga Levita.

7:7
待機

Ibinigay niya ang dalawang kariton at apat na lalaking baka sa mga kaapu-apuhan ni Gerson, dahil sa kailangan ng kanilang gawain.

7:8
待機

Ibinigay niya ang apat na kariton at walong lalaking baka sa mga kaapu-apuhan ni Merari, sa pangangalaga ni Itamar na anak na lalaki ni Aaron na pari. Ginawa niya ito dahil sa kailangan ng kanilang gawain.

7:9
待機

Ngunit wala siyang ibinigay sa mga bagay na iyon sa mga kaapu-apuhan ni Kohat, dahil sa kanila ang mga gawaing nauukol sa mga bagay na nabibilang kay Yahweh na kanilang papasanin sa kanilang mga balikat.

7:10
待機

Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar sa araw na binuhusan ni Moises ng langis ang altar. Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog sa harapan ng altar.

7:11
待機

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat ialay ng bawat pinuno ang kaniyang handog sa kaniyang sariling araw para sa pagtatalaga ng altar.”

7:12
待機

Sa unang araw, inihandog ni Naason na anak ni Aminadab mula sa tribu ni Juda ang kaniyang handog.

7:13
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil ang mga bagay na ito.

7:14
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.

7:15
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking kordero bilang alay na susunugin.

7:16
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.

7:17
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Naason na anak ni Amminadab.

7:18
待機

Sa ikalawang araw, inihandog ni Nathanael na anak ni Zuar na pinuno ng tribu ni Isacar ang kaniyang handog.

7:19
待機

Inialay niya bilang kaniyang handog ang isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:20
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.

7:21
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:22
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:23
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Nethanael na anak ni Zuar.

7:24
待機

Sa ikatlong araw, nag-alay ng kaniyang handog si Eliab na anak ni Helon, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Zebulon.

7:25
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:26
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.

7:27
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang isang alay na susunugin.

7:28
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:29
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.

7:30
待機

Sa ikaapat na araw, nag-alay ng kaniyang handog si Elizur na anak ni Sedeur, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Ruben.

7:31
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:32
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.

7:33
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:34
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.

7:35
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Elizur na anak ni Sedeur.

7:36
待機

Sa ikalimang araw, nag-alay ng kaniyang handog si Shelumiel na anak ni Zurisaddai, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Simeon.

7:37
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:38
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.

7:39
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:40
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:41
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai.

7:42
待機

Sa ikaanim na araw, nag-alay ng kaniyang handog si Eliasaf na anak ni Deuel, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Gad.

7:43
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:44
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.

7:45
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:46
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.

7:47
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay para sa handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Eliasaf na anak ni Deuel.

7:48
待機

Sa ikapitong araw, nag-alay ng kaniyang handog si Elishama na anak ni Ammiud, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Efraim.

7:49
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:50
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.

7:51
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:52
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:53
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Elishama na anak ni Ammiud.

7:54
待機

Sa ikawalong araw, nag-alay ng kaniyang handog si Gamaliel na anak ni Pedasur, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Manases.

7:55
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:56
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso..

7:57
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:58
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:59
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedahzur.

7:60
待機

Sa ikasiyam na araw, nag-alay ng kaniyang handog si Abidan na anak ni Gideon, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin.

7:61
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na pagkaing butil.

7:62
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso.

7:63
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:64
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.

7:65
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Abidan na anak ni Gideon.

7:66
待機

Sa ikasampung araw, nag-alay ng kaniyang handog si Ahiezer na anak ni Ammisaddai, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Dan.

7:67
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na pagkaing butil.

7:68
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso.

7:69
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:70
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:71
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

7:72
待機

Sa ikalabing isang araw, nag-alay ng kaniyang handog si Pagiel na anak ni Okran, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Aser.

7:73
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:74
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso.

7:75
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:76
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:77
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Pagiel na anak ni Okran.

7:78
待機

Sa ikalabindalawang araw, nag-alay ng kaniyang handog si Ahira na anak ni Enan, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Neftali.

7:79
待機

Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.

7:80
待機

Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.

7:81
待機

Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.

7:82
待機

Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:83
待機

Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.

7:84
待機

Itinalaga ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng bagay na ito sa araw na binuhusan ni Moises ng langis ang altar. Naglaan sila ng labindalawang pilak na pinggan, labindalawang mangkok na pilak at labindalawang gintong pinggan.

7:85
待機

Bawat pilak na pinggan ay tumitimbang ng 130 siklo at bawat mangkok ay tumitimbang ng pitumpung siklo. Tumitimbang ng 2, 400 siklo ang lahat ng lalagyang pilak, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo.

7:86
待機

Bawat isa sa labindalawang gintong pinggan, na puno ng insenso ay tumitimbang ng sampung siklo ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Lahat ng gintong pinggan ay tumitimbang ng 120 siklo.

7:87
待機

Itinalaga nila ang labindalawang batang toro, labindalawang lalaking tupa at labindalawang lalaking tupa na isang taong gulang bilang alay na susunugin. Ibinigay nila ang kanilang handog na butil. Ibinigay nila ang labindalawang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.

7:88
待機

Mula sa lahat ng kanilang mga alagang hayop, nagbigay sila ng dalawampu't apat na toro, animnapung lalaking tupa, animnapung lalaking kambing at animnapung lalaking tupang isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Para ito sa paglalaan ng altar, nang binuhusan ito ng langis.

7:89
待機

Nang pumasok si Moises sa tolda ng pagpupulong upang makipag-usap kay Yahweh, narinig niya ang kaniyang tinig na kinakausap siya. Kinausap siya ni Yahweh mula sa itaas ng takip ng luklukan ng awa na nasa kaban ng tipan, mula sa gitna ng dalawang kerubim. Nakipag-usap siya sa kaniya.