ES
ES Español
Recorrido bíblico de M’Cheyne
Plan de lectura bíblica — M’Cheyne de un año
Sigue este plan de lectura bíblica a través de cuatro pasajes al día: el Antiguo Testamento una vez y el Nuevo Testamento y los Salmos dos veces al año.
KO Coreano
EN Inglés
CN Chino
JP Japonés
PH Lenguas filipinas
HI Hindi
BN Bengalí
TA Tamil
TE Telugu
ML Malabar
FA Persa
MY Birmano
NE Nepalí
MR Maratí
KN Canarés
HA Hausa
YO Yoruba
SW Suajili
IG Igbo
ID Indonesio
PT Portugués
VI Vietnamita
AR Árabe
RU Ruso
UK Ucraniano
RO Rumano
IT Italiano
FI Finés
TO Tongano
HR Croata
SR Serbio
TR Turco
HU Húngaro
PL Polaco
SK Eslovaco
LA Latín
NL Neerlandés
CS Checo
FR Francés
ES Español
DE Alemán
OT Otros idiomas
Confirmación de lectura
¿Terminaste este día de M’Cheyne?
Confírmalo para marcar este día como completado en tu gráfico de progreso de M’Cheyne.
사무엘하 24
David's Census and Its Punishment
1Muling sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at pinakilos niya si David laban sa kanila sa pagsasabi, “Bilangin ang Israel hanggang Juda”. Pagkatapos sinabi ni David “Sige, bilangin ang Israel at Juda.”
2Sinabi ng hari kay Joab na pinuno ng hukbo na kasama niya, “Puntahan ang lahat ng mga lipi ng Israel, mula Dan hanggang Beer-seba at bilangin ang lahat ng mga tao, para malaman ko ang buong bilang ng mga kalalakihang akma para sa digmaan.”
3Sinabi ni Joab sa hari, “Paramihin nawa ni Yahweh ang bilang ng mga tao ng sandaang ulit at makita nawa'y makita nga mga mata nag aking panginoon ang hari ang katuparan. Pero bakit kaya ito ang nais ng aking hari?”
4Gayunman, tapos na ang salita ng hari laban kay Joab at laban sa mga pinuno ng hukbo. Kaya umalis si Joab at ang mga pinuno mula sa harapan ng hari para bilangin ang mga tao ng Israel.
5Tumawid sila ng Jordan at nagkampo malapit sa Aroer, timog sa lungsod sa lambak. Pagkatapos dumaan sila sa Gad patungong Jazer.
6Dumating sila sa Galaad at sa lupain ng Tatim Hodsi, pagkatapos sa Dan Jaan at paikot papuntang Sidon.
7Narating nila ang tanggulan ng Tiro at ang lahat ng lungsod ng mga Hivita at mga Cananeo. Pagkatapos lumabas sila ng Negev sa Juda sa Beer-seba.
8Nang malagpasan sa buong lupain, bumalik sila sa Jerusalem matapos nilang malibot ang buong lupain pagkalipas ng siyam na buwan at dalawampung araw.
9Pagkatapos inulat ni Joab sa hari ang kabuuan ng bilang ng mga lalaking nakikipaglaban. Sa Israel, mayroong 800, 000 na matatapang na kalalakihang bumunot ng espada at ang mga tauhan sa Juda, 500, 000 kalalakihan.
10Pagkatapos nagdalamhati ang puso ni David matapos niyang bilangin ang mga kalalakihan. Kaya sinabi niya kay Yahweh, “Nagkasala ako nang matindi sa paggawa nito. Ngayon, Yahweh, alisin mo ang pagkakasala ng iyong lingkod, sapagkat kumilos ako nang may labis na kahangalan.”
11Nang bumangon si David kinaumagahan, ang salita ni Yahweh ay dumating kay propetang Gad na tagahatid ng pangitain ni David na nagsasabing,
12“Sabihan si David: 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Bibigyan kita ng tatlong pagpipilian, pumili ka ng isa sa mga iyon.”'”
13Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kaniya, “Tatlong taon ba na taggutom ang darating sa iyo sa iyong lupain? O tatakas ka ng tatlong buwan mula sa iyong mga kaaway habang hinahabol ka nila? O magkakaroon ng salot sa iyong lupain sa loob ng tatlong araw? Pag-isipan mo ngayon anong sagot ang ibabalik sa kaniya na nagpadala sa akin.”
14Pagkatapos sinabi ni David kay Gad, “Hirap na hirap ang aking kalooban. Hayaang mahulog tayo sa kamay ni Yahweh kaysa mahulog sa mga kamay ng mga tao, napakadakila ng kaniyang mga mahabaging gawa.”
15Kaya nagpadala si Yahweh ng salot mula umaga hanggang sa taning na oras, at pitumpung libong tao ang namatay mula Dan hanggang Beer-seba.
16Nang inabot ng anghel ang kaniyang kamay sa dako ng Jerusalem para wasakin ito, nagbago ang ang isip ni Yahweh tungkol sa kapahamakan, at sinabi sa anghel na pumupuksa sa mga tao, “Tama na! Iatras mo ngayon ang iyong kamay.” Nakatayo noon ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo.
17At nakipag-usap si David kay Yahweh nang makita niya ang anghel na sumugod sa mga tao at sinabing, “Nagkasala ako” at “labis akong nagkamali. Pero itong mga tupa, ano ang kanilang nagawa? Pakiusap, hayaang ako at ang sambahayan ng aking ama ang parusahan ng inyong kamay!”
David Builds an Altar at the Threshing Floor of Araunah
18Pagkatapos pumunta si Gad nang araw na iyon kay David at sinabi sa kaniya, “Umakyat ka at gumawa ng altar para kay Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo.”
19Kaya umakyat si David gaya ng itinagubilin ni Gad na gawin niya, gaya ng inutos ni Yahweh.
20Tumingin sa labas si Arauna at nakitang papalapit na ang hari at ang kaniyang mga lingkod. Kaya lumabas si Arauna at yumukod sa hari na ang kaniyang mukha ay nasa lupa.
21Pagkatapos sinabi ni Arauna, “Bakit narito ang aking panginoon ang hari sa aking harapan, na kaniyang lingkod?” Sumagot si David, “Para bilhin ang iyong giikan, para makagawa ako ng altar para kay Yahweh, para maalis ang salot mula sa mga tao.”
22Sinabi ni Arauna kay David, “Kunin mo ito bilang sa iyo, aking panginoon ang hari. Gawin mo rito kung ano ang tama sa iyong paningin. Tingnan mo, narito ang mga lalaking baka para sa sinunog na handog at mga kareta ng giikan at mga pamatok ng lalaking baka para panggatong.
23Ako, si Arauna, ibibigay ang lahat ng ito sa iyo, aking hari.” Pagkatapos sinabi niya sa hari, “Tanggapin ka nawa ni Yahweh na iyong Diyos.”
24Sinabi ng hari kay Arauna, “Hindi, pinipilit kong bilhin ito sa halaga nito. Hindi ako mag-aalay ng sinunog na handog kay Yahweh na walang halaga sa akin.” Kaya binili ni David ang giikan at lalaking baka sa halagang limampung piraso ng pilak.
25Gumawa roon ng altar si David para kay Yahweh at naghandog doon ng mga sinunog na handog at mga handog ng pagtitipon-tipon. Kaya nasiyahan si Yahweh para sa lupain at nahinto ang salot sa Israel.
갈라디아서 4
Called from Slaves to Sons
1Sinasabi ko na hanggang ang tagapagmana ay bata pa, wala siyang pinagkaiba sa isang alipin, kahit na siya pa ang nagmamay-ari ng buong lupain.
2Sa halip, nasa ilalim pa siya ng kaniyang mga tagapangalaga at mga katiwala hanggang sa dumating ang panahon na itinakda ng kaniyang ama.
3Kaya ganoon din tayo, noong tayo ay mga bata pa, sakop tayo ng pagkaalipin sa mga alituntunin ng daigdig.
4Ngunit nang dumating ang takdang panahon, ipinadala ng Diyos ang kaniyang Anak, ipinanganak ng isang babae, ipinanganak sa ilalim ng kautusan.
5Ginawa niya ito upang tubusin ang mga nasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop bilang mga anak.
6Dahil kayo ay mga anak, ipinadala ng Diyos ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, ang Espiritu na tumatawag ng, “Abba, Ama.”
7Sa kadahilanang ito, hindi na kayo mga alipin kundi mga anak. Kung kayo ay mga anak, kaya kayo rin ay tagapagmana sa pamamagitan ng Diyos.
Do Not Turn Back to Weak Elemental Principles
8Bago pa, nang hindi pa ninyo kilala ang Diyos, kayo ay mga alipin sa mga bagay na likas na hindi talaga diyos.
9Ngunit ngayon na kilala na ninyo ang Diyos, o higit na mabuting sabihin, ngayon na kilala na kayo ng Diyos, bakit kayo muling bumabalik sa mahina at walang silbing mga pasimulang tuntunin? Gusto niyo bang maging mga alipi muli?
10Mahigpit ninyo ipinagdiriwang ang mga natatanging araw, mga bagong buwan, mga panahon, at mga taon.
11Natatakot ako para sa inyo. Natatakot ako na anumang paraan ay naghirap ako sa inyo ng walang kabuluhan.
Paul's Heartfelt Appeal to the Galatians
12Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, maging katulad ninyo ako, sapagkat ako ay naging katulad rin ninyo. Wala kayong ginawang mali sa akin.
13Ngunit alam ninyo na dahil sa sakit na pisikal kaya ko ipinahayag ang ebanghelyo sa inyo sa unang pagkakataon.
14Kahit na inilagay kayo ng aking pisikal na kalagayan sa pagsubok, hindi ninyo ako hinamak o tinanggihan. Sa halip tinanggap ninyo ako tulad ng anghel ng Diyos, na para bang ako mismo si Cristo Jesus.
15Saan, samakatuwid, na ngayon ang inyong kaligayahan? Sapagkat aking pinatotohanan sa inyo na, kung maaari, dinukot na ninyo ang inyong mga sariling mga mata at ibinigay ang mga ito sa akin.
16Kaya noon, naging kaaway na ba ninyo ako dahil sinasabi ko ang katotohanan sa inyo?
17Nagmamalasakit sila inyo, ngunit hindi sa ikabubuti. Gusto nila kayong ihiwalay sa akin para sumunod kayo sa kanila.
18Laging mabuti ang magmalasakit para sa mga mabubuting dahilan, at hindi lang kung ako ay nariyan na kasama ninyo.
19Maliliit kong mga Anak, ako ay nagdaranas muli ng sakit tulad ng babaing nanganganak para sa inyo hanggang si Cristo ay mabuo sa inyo.
20Gusto kong nariyan ako ngayon kasama ninyo at baguhin ang aking tono, dahil ako ay naguguluhan tungkol sa inyo.
Hagar and Sarah, an Allegory of Two Covenants
21Sabihin ninyo sa akin, kayo na gustong magpasailalim sa kautusan, hindi ba ninyo narinig kung ano ang sinasabi ng kautusan?
22Sapagkat nasusulat na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isa ay sa aliping babae at ang isa ay sa malayang babae.
23Gayunpaman, ang anak ng alipin ay ipinanganak sa laman, ngunit ang ipinanganak ng malayang babae ay ipinanganak sa pamamagitan ng isang pangako.
24Ang mga bagay na ito ay maipapaliwanag gamit ang talinghaga, sapagkat ang dalawang babaeng ito ay katulad ng dalawang kasunduan. Ang isa sa kanila ay mula sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak niya ang kaniyang mga anak na mga alipin. Ito ay si Hagar.
25Ngayon ang Hagar ay Bundok ng Sinai sa Arabia. Isinisimbolo niya ang kasalukuyang Jerusalem, sapagkat siya ay nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
26Ngunit ang Jerusalem na nasa taas ay malaya, iyon ay, ang ating ina.
27Sapagkat nasusulat, “Magalak ka, ikaw na babaeng baog, ikaw na hindi nanganganak. Humiyaw ka at sumigaw sa kagalakan, ikaw na hindi pa nakakaranas ng panganganak. Sapagkat marami ang mga anak ng baog na babae, higit pa sa kaniya na may asawa.”
28Ngayon, mga kapatid, katulad ni Isaac, ay mga anak ng pangako.
29Sa panahong iyon, siyang ipinanganak ayon sa laman ay inuusig siyang ipinanganak ayon sa Espiritu. Ganoon din ito ngayon.
30Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Palayasin mo ang aliping babae at ang kaniyang anak. Sapagkat ang anak ng aliping babae ay hindi kasamang magmamana sa anak ng malayang babae.”
31Samakatuwid, mga kapatid, tayo ay hindi mga anak ng isang aliping babae, ngunit, sa halip ng isang malayang babae.
에스겔 31
Egypt Likened to a Cedar of Lebanon
1At nangyari ito sa ikalabing isang taon sa unang araw ng ikatlong buwan na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
2“Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon, ang hari ng Egipto, at sa kaniyang mga tagapaglingkod na nakapalibot sa kaniya, 'Sa iyong kadakilaan, sino ang katulad mo?
3Masdan ninyo! Ang Asiria ay isang punong sedar sa Lebanon na may mga magagandang sanga, mayayabong na lilim, at napakataas! At ang dulo nito ay nasa itaas ng mga sanga.
4Pinataas ito ng maraming tubig; pinalaki ito ng mga malalalim na tubig. Umaagos ang mga ilog sa lahat ng palibot nito kung saan ito nakatanim, sapagkat ang kanilang mga lagusan ay umaabot sa lahat ng mga punongkahoy sa parang.
5Ang labis na taas nito ay higit sa kahit na anong punongkahoy sa parang, at naging napakarami ang mga sanga nito; humaba ang mga sanga nito dahil sa maraming tubig habang lumalaki ang mga ito.
6Pinamugaran ng lahat ng ibon sa kalangitan ang mga sanga nito, habang ang lahat ng nabubuhay sa parang ay nagsisilang ng kanilang mga anak sa ilalim ng mga dahon nito. Nakatira ang lahat ng maraming bansa sa ilalim ng lilim nito.
7Sapagkat ang kagandahan nito ay sa kalakihan at sa haba ng mga sanga nito, sapagkat ang mga ugat nito ay nasa maraming tubig!
8Hindi ito kayang tumbasan ng mga punong sedar sa halamanan ng Diyos! Wala sa mga punong abeto ang makapapantay sa mga sanga nito, at walang anumang mga punongkahoy ang makatutumbas sa mga sanga nito. Walang punongkahoy sa halamanan ng Diyos ang makatutumbas sa ganda nito!
9Pinaganda ko ito sa kaniyang maraming mga sanga; at kinaiingitan ito ng lahat ng mga punongkahoy sa Eden na nasa halamanan ng Diyos.
The Cedar Cut Down and Brought to Sheol
10Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Dahil sa napakataas nito, at dahil sa itinaas niya ang dulo ng kaniyang punongkahoy sa itaas ng mga sanga at itinaas niya ang kaniyang puso sa taas na iyon—
11kaya ibinigay ko siya sa kamay ng mga pinaka-makapangyarihang pinuno ng mga bansa! Kumilos ang pinunong ito laban sa kaniya at pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan!
12Pinutol siya ng mga dayuhang kinatatakutan ng lahat ng mga bansa at pagkatapos ay iniwan siya. Ang mga sanga nito ay nagsihulog sa mga bundok at sa mga lambak, at nasira ang mga sanga nito sa lahat ng mga batis sa mundo. At lumabas ang lahat ng mga bansa sa mundo mula sa lilim nito at iniwan siya.
13At nagpahinga sa mga puno nito ang lahat ng mga ibon sa mga kalangitan, at umupo sa mga sanga nito ang lahat ng mga mababangis na hayop sa parang.
14Nangyari ito upang walang mga punongkahoy na sagana sa tubig ang lalago nang ganoong kataas, upang hindi nila itaas ang kanilang mga dulo sa itaas ng mga dahon, sapagkat wala ng iba pang punongkahoy na nakainom ng tubig ang muling lalago nang ganoong kataas. Sapagkat ipinasakamay silang lahat sa kamatayan hanggang sa pinakamababang bahagi ng mundo, sa gitna ng mga tao ng sangkatauhan na bumaba sa hukay.
15Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na bumaba siya sa sheol, nagdala ako ng pagtangis sa mundo. Tinakpan ko ang mga malalalim na tubig dahil sa kaniya, at pinigilan ko ang mga tubig sa karagatan. Ipinagkait ko ang mga malalawak na tubig at nagdala ako ng pagtangis sa Lebanon para sa kaniya! Kaya ang lahat ng mga punongkahoy sa parang ay tumangis sa kaniya.
16Nagdala ako ng panginginig sa mga bansa sa ugong ng kaniyang pagbagsak, nang itinapon ko siya sa sheol kasama ng mga bumaba sa hukay! At napanatag ko ang lahat ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo! Ito ang mga pinakapili at pinakamagandang punongkahoy ng Lebanon, ang mga puno na nagsiinom ng mga tubig!
17Sapagkat bumaba din silang kasama niya sa sheol, silang mga pinatay sa pamamagitan ng mga espada! Ito ang mga malalakas niyang braso, ang mga bansa na nanirahan sa kaniyang lilim.
18Alin sa mga punongkahoy sa Eden ang papantay sa iyong kaluwalhatian at kadakilaan? Sapagkat dadalhin ka pababa kasama ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo kasama ng mga taong hindi tuli; mamumuhay ka kasama ng mga taong pinatay sa pamamagitan ng espada! Ito ay si Faraon at ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'
시편 79
A Lament over the Defiled Temple
1O Diyos, ang mga dayuhang bansa ay dumating sa iyong pamana; dinungisan nila ang iyong banal na templo; ginawa nilang isang bunton ng pagkawasak ang Jerusalem.
2Ibinigay nila ang mga patay na katawan ng iyong mga lingkod bilang pagkain ng mga ibon sa himpapawid, ang mga katawan ng iyong tapat na bayan sa mga halimaw ng daigdig.
3Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubig sa paligid ng Jerusalem, at walang naglilibing sa kanila.
4Kami ay naging isang kasiraan para sa aming mga kapwa para magawan ng panunuya at pangungutya ng mga nakapaligid sa amin.
5Gaano katagal, Yahweh? Mananatili ba ang iyong galit magpakailanman? Gaano katagal mag-iinit tulad ng apoy ang galit ng iyong pagseselos?
6Ibuhos mo ang iyong poot sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo at sa mga kaharian na hindi tumatawag sa iyong pangalan.
7Dahil nilamon nila si Jacob at winasak ang kaniyang mga nayon.
8Huwag ibilang ang mga kasalanan ng aming mga ninuno laban sa amin; dumating nawa ang mga mahabaging pagkilos mo sa amin, dahil napakahina namin.
9Tulungan mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, alang-alang sa kaluwalhatian ng iyong pangalan; iligtas mo kami at patawarin ang aming mga kasalanan alang-alang sa iyong pangalan.
10Bakit kailangan sabihin ng mga bansa, “Nasaan ang kanilang Diyos?” Nawa ang dugo ng iyong mga lingkod na ibinuhos ay maipaghiganti sa mga bansang nasa harap ng aming mga mata.
11Nawa ang mga pagdaing ng mga bilanggo ay dumating sa harap mo; sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan panatilihin mong buhay ang mga anak ng kamatayan.
12Pagbayarin mo sa mga kandungan ng aming mga karatig- bansa ng pitong beses ang mga pang-iinsulto sa iyo, Panginoon.
13Kaya kami na bayan mo at tupa ng iyong pastulan ay magbibigay ng pasasalamat sa iyo magpakailanman. Sasabihin namin ang iyong mga papuri sa lahat ng mga salinlahi.