Hinipan ng ika-anim na angel ang kaniyang trumpeta, at narinig ko ang tinig na nagmumula sa mga sungay ng gintong altar na naroon sa harapan ng Diyos.
KO
Copywork
Tagalog ULB · 9:13-21 The Sixth Trumpet and the Deadly Cavalry
성경필사는 빠르게 끝내는 입력 훈련이 아니라, 한 절씩 말씀의 문장과 흐름을 다시 붙드는 시간입니다. 입력 내용은 이 브라우저에 임시 저장되며, 로그인하면 계정에도 저장됩니다.
소제목 단위로 진행 · 요한계시록
Sinabi ng tinig sa ika-anim na anghel na may trumpet, “Pakawalan ang apat ng anghel na nakagapos sa dakilang ilog Eufrates”.
Ang apat na anghel na siyang naihanda para sa sobrang oras na iyon, nang araw na iypn, nang buwan na iyon, at nang taon na iyon ay pinalaya par patayin ang ikatlong bahagi ng sang katauhan.
Ang bilang ng mga kawal na nasakay sa kabayo ay 200, 000, 000. Narinig ko ang kanilang bilang.
Ganito ko nakita ang mga kabayo sa aking pangitain, at ang mga nakasakay sa kanila. Ang kanilang mga baluti ay maningas na pula, matingkad na asul at asupreng dilaw. Ang ulo ng mga kabayo ay kahawig ng mga ulo ng mga lion at lumalabas sa kanilang mga bibig ang apoy, usok at asupre.
Ang ikatlong bahagi ng bayan ay pinatay sa pamamagitan ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok, at asupre na lumabas sa kanilang mga bibig.
Dahil ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at sa kanilang mga buntot—dahil ang kanilang mga buntot ay tulad ng mga ahas, at mayroon silang mga ulo na nagsanhi ng mga sugat sa tao.
Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy—mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad.
Ni hindi nila ginawang magsisi sa kanilang mga pagpatay, kanilang pangugulam, kanilang sekswal na imoralidad o ang kanilang gawaing pagnanakaw.