Nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya nang may malakas na tinig ang lahat na mga ibong lumilipad sa ibabaw ng kaniyang ulo. “Halikayo sama-samang magtipon para sa dakilang hapunan ng Diyos.
KO
Copywork
Tagalog ULB · 19:17-21 The Defeat of the Beast and the False Prophet
성경필사는 빠르게 끝내는 입력 훈련이 아니라, 한 절씩 말씀의 문장과 흐름을 다시 붙드는 시간입니다. 입력 내용은 이 브라우저에 임시 저장되며, 로그인하면 계정에도 저장됩니다.
소제목 단위로 진행 · 요한계시록
Halikayo kainin ang laman ng mga hari, ang laman ng pinuno ng hukbo, ang laman ng mga magigiting na lalaki, ang laman ng mga kabayo at kanilang mga mangangabayo, at ang laman ng lahat ng mga tao, kapwa malaya at alipin, ang hindi mahahalaga at ang makapangyarihan.”
Nakita ko ang halimaw at ang mga hari ng mundo kasama ang kanilang mga hukbo. Humahanay sila para makipagdigmaan sa kaniya na nakasakay sa kabayo kasama ng kaniyang hukbo.
Nabihag ang halimaw at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa kaniyang presensya. Gamit ang mga tandang ito nilinlang niya ang mga tumanggap ng tanda ng halimaw at silang sumamba sa kaniyang imahe. Ang dalawa sa kanila ay inihagis nang buhay sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre.
Ang natitira sa kanila ay pinatay gamit ang espada na lumabas mula sa bibig ng siyang nakasakay sa kabayo. Kinain ng lahat ng ibon ang kanilang patay na laman.